Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea.
Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong.
Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”
Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”
Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik at sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.
Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang iba pa niyang kasama.
“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?”
Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”