Dati raw, mahigpit na magkagalit ang mga ibon at mga hayop lupa. Mabangis silang pare-pareho at kapag nakikita ang isa sa mga kaaway ay pinagtutulungan.
Sa kabilang dako, ang paniki ay isang hayop na mahiyain at hindi sumasali sa awayan. Iniiwasan niya ang ibon at pati ang mga hayop lupa. Ngunit isang umaga hindi nya naiwasan ang isang leon. Sa pamamasyal niya sa malapit sa kweba, biglang may lumabas na leon.
Akma na siyang papatayin nang nagsalita siya. “Huwag! Huwag mo akong patayin. Hindi mo ako kaaway. Ako’y tulad mo. Tingnan mo, pareho mo akong dalawa ang taynga at isa ang nguso.”
Tningnang mabuti ng leon ang paniki, at tunay nga, may taynga at ngusong katulad niya. “Sige, umalis kana. Pag nakakita ka ng ibon, tawagin mo ako,” bilin nya sa paniki.
Isang hapon, nasalubong naman ng ibon ang agila. Hinawakan siya nito ng malalaking kuko. “Huwag mo akong saktan,” iyak nya. “Ako’y ibong tulad mo. Masdan mo’t may pakpak rin ako.”
“Ah..” sabi ng agila. “Isa ka rin palang ibon. May pakpak at nakalilipad. Magkakampi pala tayo.”
At mula noon, takot na ang paniki na lumabas nang maliwanag pa. Baka kasi may makasalubong siyang hayop sa lupa , o di kaya ay ibong lumilipad. Lagi na lamang sa gabi siya lumalabas sa kanyang pinananatilihang lugar.
Ang iyon ang dahilan kung bakit sa gabi lumilipad ang paniki.