Hinilawod (Epiko ng Panay)

Tinatawag na Hinilawod ang epikong-bayan ng mga Sulod na nakatira sa bulubunduking bahagi ng Panay. May dalawa itong pangunahing tauhan, sina Labaw Donggon at Humadapnon, at may mga sariling salaysay. Sa saliksik ni F. Landa Jocano, kaniyang naitala ang Labaw Donggon noong 1956 mula kay Ulang Udig, isang Sulod sa Iloilo.

Buod ng Hinilawod

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siyá sa tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap. Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa.

Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon. Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw. Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng maraming taon.

Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng bahay niya. Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan.

Hiananap ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kayâ napatay ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling.

Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat. Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob ng lambat ngunit halos bingi at lubhang matatakutin.

Gayunman, pinagtulungan siyáng gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon pagkatapos mangako na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling.

Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon at Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

Hinilawod