Isang araw, sa panahon ng tagtuyot, naghahanap ang isang uhaw na uwak ng tubig na maiinom. Uhaw na uhaw siya at buong araw siyang naglalakbay. Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa pinakamadaling panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng isang banga na may lamang maliit na tubig sa loob nito. Subalit ang banga ay mataas at may makitid na leeg. Kahit anong subok niya ay hindi niya abot ang tubig.
Pagkatapos ay isang ideya ang kanyang naisip. Kumuha siya ng maliit na bato at inilagay sa loob ng banga. Sa bawat maliliit na bato na iniligay niya sa loob ay unti-unting tumataas ang tubig. Ipinagpatuloy niya nag paglalagay hanggang sa abot na ng kanyang tuka ang tubig at siya ay nakainom.