Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.
Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyangyakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw angmga bituin sa labis na init ng araw.
Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapaglumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng marurumingdamit.
Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito.
Binantayan nga ng araw ang mga anak.
Buong kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan.
Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak.
Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan.
Nagtaka siya sapagkatmalungkot ang asawa.
Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nyanakita ang maliliit kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan.
Hindi niyamatagpuan ang mga anak.
Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa.
“Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay ng sagot ang buwan.
Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyangkasalanan.
Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol angsarili sa asawang galit na galit.
Dumampot siya ng isang dakot na buhangin atinihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik angmukha ng buwan.
Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sakanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw