Ang Alamat ng Ulan

Si Dakula, isang napalaking higante, ay nakatira sa madilim na yungib. Sa tabi ng yungib ay may bukal na dinadaluyan ng dalisay at matamis na tubig. Hindi mangyaring makakuhang madalas dito ang mga tao dahil bantay na bantay itong bukal ng matapang na higante.

Madalas kumukuha na lamang ang mga tao ng tubig sa dagat para magamit nila. Paminsan-minsan nasusubukan nilang tulog si Dakula, kaya panakaw na nakakasahod sila ng tubig sa bukal.

Isang hatinggabi, maraming mga tao ang pumaroon sa bukal para sumalok ng tubig. Hindi nila alam na gising pala ang madamot na higante. Walang anu-ano’y naramdaman ng mga tao na naikulong na pala sila nito sa isang malaking lambat.

Dinala ni Dakula ang lambat na puno ng tao sa kaitaasan, at ibinilanggo sa ulap.

“Diyan na kayo manirahan, gusto rin lang ninyo ng tubig.”

Ang mga taong nakakulong sa ulap ay nalungkot at nagsitulo ang masaganang luha. Bumagsak sa lupa ang luha at nagsilbing unang ulan.

Mula noon, tuwing iiyak ang mga taong iyon, umuulan sa lupa.

At iyon nga ang alamat ng ulan at kung bakit tila napakalungkot ng langit tuwing umuulan na parang lumuluha.

Related Posts

Comments

One response to “Ang Alamat ng Ulan”

  1. sino author?

Ang Alamat Ng Ulan