Ang Alamat ng Mansanas

Isang araw, nalaman ng isang tao na may kakaibang dugo siya. Ang kaniyang dugo ay nakakagaling ng mga sakit.

Mabait siya at nanggagamot siya nang libre. Ang pangalan niya ay Mang Sanas.

Sa isang bahay-aliwan nalasing si Nam Atay at nasuntok niya si Lorando.

Galit na galit si Lorando at inaway niya si Nam.

Nagsuntukan sila hanggang nilabas ni Lorando ang kaniyang baril at binaril niya si Nam.

Umalis na siya dahil akala niya namatay na ang lasing.

Nakita ni Matt Alino si Nam na nakahiga sa isang bangketa. Agad niyang dinala ito kay Mang Sanas.

Agad na ginamot ni Mang Sanas si Nam at nawala ang lahat ng kaniyang mga sakit at sugat.

Biglang nalaman ni Lorando na buhay pa pala ang kaniyang kalaban at ginamot siya ni Sanas.

Siya ay muling nagalit at pinuntahan si Mang Sanas at binaril niya ito sa ulo.

Tumalsik ang dugo ni Mang Sanas sa isang puno.

Pagkatapos ng ilang araw, nagbunga ng isang pulang prutas ang puno. Masustansya ito.

Ang prutas naito ay tinatawag ngayon bilang MANSANAS.

mansanas