Alamat Ng White Lady

Sa Capiz. May isang dalagang hinahangaan ng lahat.

Mapabata, mapatanda, lalake o babae man.

Dahil sa angkin niyang kabutihang-loob.

Hindi lang sa pagiging mabait niya at matulungin siya hinahangaan, kundi dahil din sa angkin niyang kagandahan.

Biniyayaan siya ng napakaamong mukha, mga nangungusap na mga mata, malalantik na mga pilik-mata at mapupulang mga labi.

Napakaganda din ng kanyang malaporselanang kutis.

Napakaputi.

Maraming mga kalalakihan ang nahuhumaling at gusto siyang maging nobya.

Ngunit lahat ng umaakyat ng ligaw sa kanya’y agad niyang binibigo, dahil mayroon ng itinitibok ang kanyang puso.

Si Juancho.

Si Juancho, isa sa matipuno at matikas sa kanilang nayon.

Siya ang itinatangi ng pihikang puso ni Carmelita.

Kaya nang manligaw dito ang binata’y agad niyang tinanggap ang pag-ibig nito.

Maraming naiingit kay Juancho na mga kabinataan ng malaman nang mga na ito ang mapalad na sinagot ni Carmelita.

Naging masaya ang pag-iibigan ng dalawang magkasintahan.

Ngunit nagbago ito nang dumating ang sampung kalalakihan sa kanilang lugar.

Mga armado at mga bayolente ang mga kalalakihan.

Ang sabi ng mga ito, sila’y mga tulisan na nagkakamkam ng mga ari-arian ng mga tao.

Dahil sa takot, na mapatay ng mga tulisan.

Ang buong kanayon ni Carmelita at pati ito’y ibinigay kahit kahuhuli-hulihang sentimo sa kanilang bulsa.

Akala nila aalis na ang mga tulisan, pagkatapos makuha ang kanilang mga salapi at mga mamahaling kagamitan.

Ngunit nagkamali pala sila.

Hindi pa nasiyahan ang mga iyon, lahat ng babae na natitipuhan ng mga ito ay pilit na isinasama sa kanilang kubo at doon ginagahasa.

Nabahala na ang mga kanayon ni Carmelita.

Nagpulong sila.

Pinag-usapan ang dapat nilang gawin.

Alam nila na hindi nila kakayanin ang mga tulisan, dahil sa mga mataas na kalibre ng mga armas ng mga ito.

Napagplanuhan nilang lumikas na lang sa kanilang nayon, pagsapit ng hatinggabi.

Ang nga magulang ni Carmelita’y agad na kumilos.

Ayaw nilang mapahamak ang kaisa-isa nilang anak.

Ngunit ng inaya ng kanyang mga magulang si Carmelita upang lumikas kasama ang iba nilang mga kanayon ay: “Mauna na kayo Inay, hihintayin ko pa po si Juancho sa aming tagpuan,” malumanay na wika nito.

“Naku, Carmelita.

Doon na lang kayo magkita ni Juancho sa kabilang bayan, delikado na dito,” wika ng kanyang ama.

Ngunit naging matigas ang pagtanggi ng dalaga.

Walang nagawa ang mga magulang nito kundi ang magbilin na mag-ingat.

Pagkaalis ng mga magulang.

Agad na nag-asikaso si Carmelita papunta sa kanilang tagpuan ni Juancho.

Ang kanilang tagpua’y sa isang mataas at mayabong na punong balite.

Doon ang napili ni Juancho, dahil masukal ang lugar na’yon.

Agad na makakapagkubli doon ang nobya kung sakaling mapadaan doon ang mga tulisan.

Halos mag-iisang oras na na nag-aantay si Carmelita sa nobyo ngunit kahit anino nito hindi pa niya masilayan.

Balak na sana niyang umalis sa tagpuan nila ng makarinig siya ng boses.

Nagalak ang kanyang puso ng maulinigan ang tinig na iyon.

Si Juancho.

Nagmamadali siyang lumabas sa pinagkukubliang puno.

Ngunit laking gulat niya na hindi lang ang nobyo ang kanyang nakita.

Kasama nito ang mga tulisan.

Nakangiting lumapit si Juancho, sa kanya.

“J-Juancho, bakit mo sila kasama?” nanginginig na wika niya dito.

“Hmm, Carmelita may pinagkasunduan kasi kami,” sagot nito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Kinutuban ng masama ang dalaga.

Napaurong siya.

Lumayo ng bahagya sa nobyo.

“A-anong n-napagkasunduan n’yo?” nauutal na sa kabang muling tanong ni Carmelita.

Napangisi si Juancho, at lumingon sa likuran kung saan nakikinig ang mga kasama nitong mga tulisan.

Nagsenyasan ang mga ito at si Juancho.

Doon na namutla si Carmelita.

Patakbo na sana ang dalaga, ngunit maagap na nahawakan siya ni Juancho.

“Juancho! Bitiwan mo ako! Maawa ka! Kung mahal mo ako huwag mo ng ituloy ang binabalak mo!” naiiyak at nanginginig na sumamo ni Carmelita sa nobyo.

Ngumisi lang ito sa kanya.

“Mahal ang ibinayad nila sa akin Carmelita kapalit mo, at inalok pa nila akong maging kasapi nila,” wika nito.

Napaiyak si Carmelita.

Napailing-iling.

Mali pala ang pinili niyang lalake na mamahalin.

Ang lalakeng akala niyang magliligtas sa kanya sa panganib ay lalake palang magdadala sa kanya sa kapahamakan.

“Tulonggggg! Tulungan n’yo ko! Ama! Ina!” sigaw ni Carmelita na nagpupumiglas sa hawak ni Juancho.

Sigaw siya nang sigaw kahit na alam niyang walang makakarinig sa kanya.

Kinaladkad siya ni Juancho, palapit sa mga tulisan.

“Ang ingay mo naman!” asik ng isang tulisan at bigla na lang sinampal si Carmelita.

Sumargo ang dugo sa ilong ng dalaga.

“Hmm, maganda pala talaga itong nobya mo, hindi nakapanghihinayang ang ibinayad namin sa iyo,” nakangiti namang sabi na medyong matabang tulisan at sinimulang sirain ang puting bestida ng dalaga.

“Huwag! Maawa kayo! Juancho! Maawa ka!” Umiiyak na palahaw ng dalagang si Carmelita.

Naghahalo na ang uhog, luha at dugo sa kanyang magandang mukha.

“Nakakairita ka na ha!” asar na sigaw ng isa pang tulisan.

Sinuntok nito sa sikmura sng nagmamakaawang dalaga.

Nawalan ng ulirat dahil sa sakit si Carmelita.

Nagpapalakpakan naman ang iba pang tulisan, habang nanood sa pagmamakaawa ng dalaga.

****

Pinangko ni Juancho ang walang malay na dalaga at dinala sa likod ng punong balite.

Doon na pinagpasa-pasahang babuyin, gahasain si Carmelita ng mga tulisan, maging si Juancho’y nakisali din sa pangbababoy sa nobya.

Nagising si Carmelita na may nakadagan sa kanya.

Pipiglas pa sana siya, ngunit may nakahawak sa dalawa niyang kamay.

“Patayin n’yo na ako!” sigaw niyang umiiyak.

Naghalakhakan naman ang mga lalakeng lumalapastangan kay Carmelita.

Hindi pa nasiyahan ang mga tulisan sa pang gagahasa sa babae.

Pinahirapan pa nila ito.

Gamit ang maliit na kutsilyo, inukit ng isang tulisan ang mga mata ni Carmelita, umagos mula doon ang masaganang dugo.

At pinaghihiwa pa nila ang katawan nito.

Halos mawalan na ng tinig si Carmelita kasisigaw.

Habang patuloy na sinasaktan ng ibang tulisan ang dalaga, ang iba nama’y abala sa paglamutak sa katawan nito kahit nababahiran na ng dugo.

“Magbabayad kayo…” hirap na hirap na wika ni Carmelita sa pagitan ng pagpapahirap sa kanya.

Si Juancho nama’y nanonood lamang habang unti-unting nawawala ang hininga ng nobya.

Walang awa ang mababakas mo sa kanilang mga mukha.

Pagkatapos ng pagpapahirap at makitang wala ng buhay si Carmelita.

Inilibing na nila ang kalunos-lunos na bangkay nito, doon mismo sa likod ng punong balite.

At parang walang anuman ginawang krimen, nilisan nila ang masukal na lugar na iyon kasama ang walang pusong si Juancho.

Sa kabilang banda, halos dalawang linggo mula ng lumikas sila, ngunit kahit anong bakas ng kanilang anak na si Carmelita’y wala silang nakita.

Ipinagpa-Diyos na lamang nila ang lahat.

Malakas ang kutob nila na baka naabutan ito at ginawan ng masama ng mga tulisan.

Ang mga tulisan na hinding-hindi sila nilubayan.

Halos lahat ng baryo sa Capiz, ay nang gugulo ang mga ito at nangunguha ng mga ari-arian at mga kadalagahan.

Ang pinagtataka lamang nila’y bakit si Juancho’y nakikita nilang masaya at parang walang pakialam kung nawawala man ang nobya nito.

Nang tanungin nila ito tungkol sa kanilang anak, ang lagi nitong sinasabi “baka ho sumama sa ibang lalake,” Nawalan na sila nang pag-asa na makita pang muli si Carmelita.

Ngunit isang gabi… Napadaan ang isang mangangalakal sa puning balite.

Malayo pa lang siya natanaw na niya tila, pigura ng isang tao na nakabestidang puti.

Sa tulong ng liwanag nang buwan, naaninag niyang babae iyon.

Lalapitan niya sana at tatanungin kung bakit andun iyon ng dis-oras na ng gabi.

Ngunit ng makalapit na siya dito.

Halos pagkandarapa sa pagtakbo siya sa kilabot.

Kitang-kita niya kasi na hindi ito tao.

Nakaangat ang paa nito sa lupa, at kahit walang hangin noon, tila sumasayaw-sayaw ang mahaba nitong buhok, pati narin ng madumi nitong bestidang puti.

At nang umakyat ang paningin niya sa mukha nito doon siya nasindak dahil wala itong mata, at may masaganang dugo mula sa butas na dapat ay may mga eyeball.

Mabilis kumalat ang balita, tungkol sa babaeng nakaputi na nagpapakita sa punong balite.

Dahil hindi lamang ang mangangalakal ang nakakakita dito.

Halos lahat ng nagdadaan doo’y nagpapakita ito.

Marami ang nakasakay sa sasakyan ang mga naaksidente dahil sa gulat, dahil sa biglaan pagpapakita nito.

Nakarating kay Juancho at sa mga tulisan ang balita.

Ngunit pinagtawanan na lamang nila ito.

Pinalano pa nila na pag-sapit ng gabi’y pupunta sila kung saan ito nagpapakita.

Hindi sumama si Juancho, dahil sa takot.

Kinagabihan.

Nasa punong balite na ang sampung tulisan.

Natatawa pa sila ng una dahil wala naman silang naramdamang kakaiba.

Ngunit… Nang… Bigla na lang… Nakarinig sila ng tila umiiyak at nanaghoy.

“Magbabayad kayo…” narinig nilang tinig na tila galing sa ilalim ng hukay.

Nagpalinga-linga sila, at nang tumama sa kanilang mata sa punong balite.

Halos manlaki ang kanilang mata.

May babaeng nakalutang… Mahaba ang buhok… Nakaangat sng mga paa sa lupa… Nakaputing bestida… At ang mukha nitong maputi’y nababahiran ng dugo… Tila natulos sa kinatatayuan ang mga tulisan.

Iisa ang kanilang nasa isip.

Kilala nila ang babae.

Si… CARMELITA! Kakaripas sana ang mga tulisan, ngunit sa anong kadahilanan hindi sila makaalis sa kanilang kinatatayuan.

At mula sa kung saan nakarinig na naman sila ng isang tinig.

Tinig na may kasamang poot.

Galit.

“Magbabayad kayo! Nagbalik ako upang makapaghiganti sa ginawa n’o sa akin!”

*****

Kinabukasan. Natagpuang mga dilat na ang mga mata ng mga tulisan sa puning balite.

Marami ang natuwa dahil namatay na ang mga salot na kanilang iniiwasan at pinangingilagaan.

Ngunit mayroon ding pagtataka kung bakit namatay ng sabay-sabay ang mga ito, na tila’y binangungot.

Nagulat at napalingon ang ilang nandoon kasama ang mga magulang ni Carmelita ng may sumigaw.

“Si Carmelita! Si Carmelita may gawa niyan!” Si Juancho ang sumigaw na parang nababaliw.

Dahil paulit-ulit itong sumisigaw ng ganoon.

Madaming nagtaka.

Nagtanong.

At ‘di kalauna’y inamin ni Juancho kung ano ang kinalaman niya sa pagkawala mi Carmelita.

Halos gustong pumatay ng mga magulang ni Carmelita sa natuklasan.

Ikinulong si Juancho.

Itinuro nito ang pinagbaunan nila kay Carmelita, ngunit kahit hibla ng buhok nito’y walang nahukay sa likod ng balite.

Ang hindi nila alam, nang inilibing nila si Carmelita’y nakipagsundo ito sa demonyo upang makabalik sa lupa, at mabigyan ng katarungan ang kanyang kinahinatnan.

Ngunit tuso ang demonyo, lahat ng binibigay niyang tulong ay may kapalit.

At ang kapalit ng pagbabalik ni Carmelita sa lupa, ay magpakita sa mga tao, manakot.

Hanggang sa mamatay ang mga ito at makuha ng demonyo ang mga kaluluwa ng mga ito.

At kasabay noon makakapaghiganti narin si Carmelita sa mga taong lumapastangan at pumatay sa kanya.

Isang linggo ang nakalipas nabalitaan nilang patay na si Juancho.

Ang sabi ng nagbabantay ditong awtoridad, para itong baliw na nagsasalita mag-isa at bigla na lang sumisigaw na “Patawarin mo ako ! Carmelita patawad” tapos bigla na lang iiyak.

Kaya maraming naniniwala na nagpakita dito si Carmelita.

Mula noon iniwasan na ng mga tao ang mapadaan sa puno na iyon ng balite.

Ayaw nilang makita ang kalunos-lunos na hitsura ni Carmelita.

Ang ibang dumadayo, at nakakakita kay Carmelita, sinasabing may nakaputing babae silang nakita, na nakalutang sa may punong balite, at makarinig ka rin ng panaghoy nito.

At minsan sa isang Amerikano nagpakita ang multo nito.

“I saw a white lady,” wika nito.

At ikinuwento ng mga taga-roon kung ano nga ang nakita ng dayuhan.

Na ito’y multo lamang ni Carmelita.

Mula noon hindi na binabanggit ang pangalan ni Carmelita.

Kundi White lady na lang.

Author: Afrodaite Villanueva
Alamat Ng White Lady