Alamat Ng Valentine’s Day

Noong unang panahon sa may dakong silangan, may isang kaharian natinatawag na Caste Dietre. Mapapansin mo kahit malayo ito dahil samatitingkad na perlas na nakapalibot dito.

Sa kahariang iyon ay may isangbatang lalake na nangangalang Valen na kilala bilang masayahin, pasaway atlalo na dahil siya ay ang bunsong anak ni Haring Caste at Reyna Dietre.

Dahilsiya ang bunso, hindi siya napapansin masyado ng mag-asawa. Pinapabayaan lamang siya na maglaro kahit saan saan sa buong kaharian.

Ngunit may laging babala ang kanyang ina na dapat huwag siyangmakalabas sa kaharian dahil ito’y isang kagubatan at lalo na’t dahil may mga masasamang nilalang na nakatira dito.

Ngunit isang araw, habangnaglalakad lakad si Valen malapit sa labasan ng kaharian ay may nakita siyang Hardin ng mga pulang bulaklak.

Napalapit siya rito kahit ito ay nasalabas na ng kaharian dahil isa sa mga paborito niya ay kulay pula. Habanghinahawakan ni Valen ang mga bulaklak, may nakita siyang isang magandang dalaga na nakasilip sa gilid ng isang puno sa harapan niya.

Napansin niya na ang buhok ng babae ay kulay pula pati na rin ang damit niya.

Natakot siya dahil inakala niya na siya ay isang masamang nilalang dahil kakaiba, at siya’y tumakbo ng mabilis papasok ng kaharian.

Sa sumunod na araw, dahil si Valen ay mausisa, pinuntahan niya muli ang mga pulang bulaklak upang makita ulit ang babae.

Pagdating niya sa labas na malapit sa kaharian ay wala na ang Hardin ng mga pulang bulaklak kaya’t hinanap niya ito hanggang sa lumubog na ang araw.

Napagtanto niya nanawawala na pala siya, madilim na rin ang paligid kaya’t mahirap ng mahanap ang kaharian nila.

Nawalan na siya ng pagasa at sumandal nalamang sa isang puno at napatulala sa buwan. Habang nakatulala pa, biglang may tumunog na parang nabaling kahoy at napalingon siya, nakita niya ang babae na nakapula na kanina pa niyang hinahanap.

Ito’y nagsalitana sundan daw siya at sumunod naman si Valen. Nagpakilala ang babae bilang si Tin, nakatira daw siya sa isang bulaklak at lagi daw siyang tulog roon.

Nagigising lang siya kapag malapit na ang araw ng pamumulaklak.

Habangnagkekwento si Tin ay nakarating na sila sa kaharian. Nagpaalam at nagpasalamat si Valen kay Tin at tumakbo na siya papasok sa kaharian.

Bumalik si Valen ulit sa labas ng kaharian ngunit nakita niya na wala natalaga ang mga pulang bulaklak, mukhang tapos na ang mga araw ngpamumulaklak nito pati na rin ang mga araw na gising pa si Tin.

Naalala niValen ang kwento ni Tin na isang beses lamang sa isang taon namumulaklakang kanyang bulaklak kaya’t napagdesisyunan niya na hihintayin niya angpamumulaklak nito taon taon.

Napansin ng buong kaharian na malungkot na ang dating pasaway at masayahin na si Valen. Nagtataka sila kung ano na ang nangyari sa batang iyon.

Wala namang pakealam si Valen sa sinasabi ng iba dahil ang nasa isip niya ay ang pagkikita muli nila ni Tin. Mukhang nakuha na ni Tin ang puso niya at bawat taong nakalipas ay mas dumaragdag ang pagmamahal niya para kay Tin.

Bawat taon, sa parehas na araw ay nagbibigay si Valen ng ibat’ibang regalo kagaya ng Chocolates, iba’t ibang klaseng bulaklak at kung ano-anong masasarap na pagkain. Lagi siyang may sorpresa para kay Tin at masayang masaya naman si Tin bawat taon.

Ngunit, hindi ganun kabait ang oras, mahirap maghintay lalo na’t habang tumatagal ay tumatanda rin si Valen. Sa ngayon ay labing walong taong gulang na siya, isa na siyang binata at bukas ay makikita ulit niya si Tin.

Si Tin ay kakaiba dahilang itsura niya nung bata pa lamang si Valen ay parehas pa din hanggang ngayon. ng sabi niya ay mabagal ang pagtanda ng mga tulad niya kaya’t pagkita mo kay Valen at Tin ay halos magkaedad lang.

Sa sumunod na araw, Nakaupo si Tin at Valen sa iisang puno malapit sa hardin ng pulang bulaklak at pinaguusapan nila ang buhay ni Tin.

Si Tin ay tao dati at isa raw siya sa mga grupo ng mga batang iniwan dito dahil sakahirapan noon nung pagkatapos ng digmaan nung wala pa ang kaharian dito.

Naawa ang “nang Kalikasan sa kanila kaya’t binigyan sila ngpagkakataon na mamuhay sa mga sinasakupan niya. Napunta si Tin sa isang bulaklak at taon taon, binibigyan siya ng pagkakataong mamili kungmananatili siya o mamamatay at ibigay ang kanyang sarili kay Inang Kalikasan.

Matagal na matagal na daw siya dito at marami na sa kanyang kasama ang umalis na at piniling mamatay na lamang. Sabi ni Tin ay pipiliin na din daw niyang mamatay ngunit ayon ang araw na una niyang nakilala si Valen kaya’t pinili niyang manatili na lamang.

Malapit na ang paglubog ng araw kaya’t nagpaalam na ang dalawa. Yinakap ni Valen ng mahigpit si Tin at sinabihan din kung gaano na niya kamahal siya at hihintayin muli ang pagbabalik niya. Ngunit sa kasamaang palad, may nakakita at nakarinig sakanila.

Nalaman ng buong kaharian na umiibig si Valen sa isang nilalang ng labas at siya’y pinagusapan ng lahat. Pinagbawalan ng mag-asawa si Valen na makalabas muli sa kaharian at ito’y kinagalit niya.

Sabi niya ay wala namang masama sa labas at gawa gawa lamang iyon nila upang hindi umalisang mga tao sa kaharian. Sinabi din niya na isang mabuting nilalang si Tin at ipinagtanggol niya ito sa buong kaharian.

Isang araw, may napakalaking itim na usok ang nakita sa harap ng kaharian. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita at ito’y pinuntahan. Sa pagkakataong yun, si Valen ay nakaupo sa isang malaking bato at nakatulala sa mga iba’t ibang kulay ng bulaklak sa labas ng kanilang tahanan.

Pagtapon niya ng bato sa isang puno ay nakita niya si Tin sa harapan niya. Nagulat si Valen at siya’y tumakbo patungo sa kanya at siya’y yinakap ng mahigpit. Napatingin si Valen kay Tin at tinanong niya kung bakit narito siya nang hindi pa oras ng kanyang paggising.

Nagtinginan ang dalawa ng matagal at unti-untingnaglapit ang kanilang mga labi. Napatindi ang kapit nila sa isa’t isa at parang ang oras na iyon ay nakalaan para lang sa kanila. Napaiyak si Tin sa mga nangyayari kaya’t natigil ang halik nila.

Niyakap ni Valen muli si Tin at napansin niya na parang may parte ng katawan niya na naaaninag na. Nagulat siya at tinanong kung anong nangyayari.

Sinabi ni Tin na ang kagubatan kung saan siya nakatira ay kasalukuyang nasusunog. Huling pagkakataon na niya na makita si Valen kaya’t pumunta siya rito. Napaiyak si Valen sa mga narinig niya dahil nalaman na niya na huli na nila itong pagkikita.

Natatakot na siya sa mga nang yayari dahil iniibig na niya ng lubossi Tin at kung mawala siya ay hindi na niya alam kung makakayanan niya.

Sinabi ni Tin na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya ay huwag siyang titigil na mangarap sa buhay at kahit wala na siya, lagi pa rin siyang nariyan para sa kanya kahit isa na siyang parte ni Inang kalikasan bilang bulaklak nalang at hindi na mabubuhay bilang tao.

Habang nagsasalita si Tin ay unti-unting naaaninag ang buong katawan niya.

Yinakap muli at hinalikan ni Valen si Tin at sinabi na hihintayin niyang magkita sila muli. Sa mga sandaling iyon,nawala na ng tuluyan si Tin at napaluhod si Valen habang tinitingan ang mgakamay niya.

Sa mga oras na iyon, ay kumalat sa buong kaharian ang storya ng pagiibigan ng dalawa. Tinawag ng mga tao ang araw ng pamumulaklak ni Tin na Valentine’s day na nanggaling sa pinaghalong pangalan ni Valen at Tin.

Sa araw na iyon, ay nagpapakita ng pasasalamat ang mga taong nagiibigan sapamamagitan ng pagbibigay ng iba’t-ibang regalo at pag-papakita kung gaano na nila kamahal ang isa’t-isa.

Alamat Ng Valentine's Day