Isang araw, Sa matahimik na nayon ng ulu”uhugan, sa ibaba ng bundok ng tra-la-la.
May isang bata.
Na nagngangalang Bab.
Si bab ay isang matulunging bata, masipag at talaga namang napaka masunurin sa magulang.
Isang araw, Inutusan sya ng kanyang nanay na pumunta ng palenke at bumili ng recados na lulutuin para sa birthday ng kanyang kapatid.
Dahil nga sa masunurin si Bab, Pumunta syang palenke.
Una nyang binili ang mga gulay, tapos ang manok at ang asin at paminta.
Natapos na sa pamimili si Bab ng biglang nasubasob sya sa isang putikan.
Kasamang nahulog ang recados na pinamili nya.
Kaya isa isa nyang pinulot ang mga ito.
Mula sa patatas, petchay, manok, at iba pang mga gulay.
Akala ng mga taong nakakakita sa kanya ay naglalaro sya sa putikan at natutuwang magpaikot ikot.
Sinimulan syang tanungin ng mga katribo.
“Hoy Bab! Hoy Bab! Ano ginagawa mo jan?” wika ng isang katribo nya.
“Baka nagliligo sya sa putikan?” wika pa ng isa.
“HAHAHAHAHAHAHAHA” insulto mga katribong nakakita sa kanya.
Dali daling tumakbo si Bab at lumuluhangg umuwi sa kanila.
Habang papauwi sa bahay ay may nakasalubong syang isang diwata.
Ang diwatang kilala ng kanyang tribo na nagbibigay ng kahilingan sa isang maswerteng tao kada isang daang libong taon.
Kaya lang ito ay nakabalat kayo bilang isang matandang babaeng namimitas ng prutas sa kagubatan.
“Bakit balot na balot ka sa putik?” Tanong ng matandang babae.
“Ah eto ba? Naligo kasi ako sa putikan.
At gusto kong magpagulong gulong duon.
Ano?… Tawa ka na! Sige na! Tawa na!” wika ni Bab na galit sa babae sa pag aakalang pagtatawanan sya ng matandang babae.
Nainsulto ang Diwata dahil sa isang daang libong taong paghihintay upang magbigay ng kahilingan sa isang nilalang ay ito pa ang aabutan nya.
Napakatampalasang bata.
At dahil dito isinumpa ng diwata si Bab.
At ginawa syang isang nilalang na mahilig maglaro sa putikan na may malaking ilong na pahaba at may katabaan.
Pagkatapos nito ay umalis na ang diwata.
Walang magawa ang isinumpang Bab kundi Ihatid ang pagkain para sa kaarawan ng kanyang kapatid.
Umalis sya ng dali dali upang hindi na makita ng kanyang mga magulang ang sinapit.
Ilang araw ang lumipas at hinahanap ng buong tribo si Bab.
Lahat ng sulok ng kabundukan ay isinisigaw ang “Hoy Bab! Hoy Bab! Asan ka na?” At dahil naririnig ito ni Bab pero hindi alam ng mga taong nasumpa sya ng diwata.
Ay naglaro sya sa putikan para makilala sya ng mga katribo.
At ng makita sya ng isang katribo.
“Mga kasama! Tignan nyo ito, para syang si Bab!” Wika ng isang katribo.
“Aba oo nga noh? Hoy Bab, Hoy Bab!” wika ng isa pa nilang katribo.
At lumingon ang nilalang na naglalaro sa putik.
At simula nuon, Tinawag na ang nilalang na iyon na “BABOY”