Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo.
Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila.
Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya.
“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”
Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”
Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.
Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”