Ito naman ang pinagmulan ng pangalan ng Los Baños. May lugar sa Laguna na kilalang-kilala sa dami ng mga bukal. Ang tawag sa lugar na ito noon ay Baño. Ang lugar ay ginawang paliguan. Ang ibig sabihin ng baño sa salitang Kastila ay paliguan. Ang bañar ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay ligo.
Maraming may sakit ang pumupunta doon. Ang tubig na bumubukal doon ay mainit at mabuti sa katawan ng tao.
Marami ang mga bukal na paliguan sa bayang ito, kaya tinawag ng mga Kastila ang lugar na Los Baños.