Ito ang pinagmulan ng pangalan ng Tagaytay. Noong unang panahon, may mag-ama na nakatira sa itaas ng bundok. Isang dayuhan ang nagtanong:
Dayuhan: “Ano po ang pangalan ng lugar na ito?”
Bago nakasagot ang ama ay biglang dumating ang isang ahas. Gustong tuklawin ng ahas ang ama. Sumigaw ang anak.
Anak: “Itay may ahas sa likod mo. Tagain, Itay!”
Akala ng dayuhan ay “Taga-itay” ang pangalan ng lugar. Mula noon ay tinawag nang Tagaytay ang lugar.