Ang Batang Sumigaw ng Lobo

Sa paanan ng bundok matamang pinagmamasdan ng isang batang lalaki ang kanyang mga alagang usa.

Sa kainipan sa kanyang pagbabantay ng kanyang mga alaga, lumingon siya sa kanyang paligid at natanaw niya roon ang ilang mga kalalakihang gumagawa sa bukid, naisipan niyang sumigaw ng “LOBO! LOBO!”

Ang mga taong nakarinig sa kanyang isinigaw ay dali-daling nagdala ng pamalo at tumakbo upang harapin ang mga lobo, ngunit wala silang natagpuan ni isa sa mga ito.

Winika ng batang lalaki: “Nais ko lang malaman kung anong magaganap kung sakaling sumigaw ako ng lobo.”

Matalim na tiningnan na lang nga mga lalakin ang bata at nagsibalik na sa kanilang mga gawain.

Makaraan ang ilang araw, inulit nanaman ng batang lalaki ang pagsigaw ng lobo at muling nag-mamadali ang mga tao upang tulungan siya, ngunit wala paring mga lobo.

Nagwika ang isang lalaki: “Huwag mo na ulit kaming paglalaruan o lolokohin, kung hindi mananagot ka na sa amin.”

Hindi nagtagal, isang malaki at gutom na gutom na lobo ang dumating at inatake ang kanyang mga alagang usa.

Ang kaawa-awang bata ay sumigaw ng “LOBO! LOBO!, ngunit wala ng pumansin sa kanya, dahil iniisip ng mga tao na ito’y nagbibiro nanaman.

Napatay at nakain na ng lobo ang isa sa kanyang mga alaga. At hindi rin nagtagal nakain na rin nito ang ilan pang mga usa.

Nanginginig sa takot ang batang lalaki dahil naharap siya sa totoong panganib. Ngaun natutunan nya sa kanyang sarili na hindi na muling paglaruan ang mga tao.

English: https://www.mgakwentongbayan.com/the-boy-who-cried-wolf

Ang Batang Sumigaw ng Lobo