Utos ng Hari

“See you in my cubicle, after lunch.”

Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase.

Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science.

Siya rin ang adviser namin.

Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin.

Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian.

Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito.

Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5.

Hindi naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz.

Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit.”

Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen.

Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina.

Katunaya’y ‘yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin.

‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango.

Nagtsismis din siya (tulad ng dati).

Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya.

Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave: nagpa-abort sa America.

Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon namin, ang normalization process sa gobyerno.

Sabi niya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate.”

(Sinabi na ‘yon ni Rizal.

) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan.

At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan.

By so doing, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.

Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema.

Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa.

Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan.

Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema.

Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate.

Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema.

Nabigla siya.

Doon na kami inabutan ng bell.

Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin.

Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan.

‘Pag nasa bahay ako, ako ang bida.

‘Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat.

Pero dito sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan.

Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay.

Kung sabagay sino ba namang ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong mag-aral.

Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang.

Ipaling kung saang sulok gusting dalhin, ikaliwa kahit kahan ang gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga.

At isipa kahit ako ang masaktan.

Ay, buhay estudyante.

Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila.

Kumontra sa kanila, singkong maliwanag.

Tumango-tango ka naman para maka-uno, ibig sabihin noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin.

Pakisama lang talaga.

Konting kompromiso, konting tango at “yes, ma’m lang,” dos na’yon o tres.

Kung bakit naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma.

Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako.

Sana’y di nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide.

Kung graduate naman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin.

At kung tapos nga, nakakahiya naming pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko.

Grade lang naman, problema ba ‘yon? Uno kung uno.

Singko kung singko, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak.

Kick-out kung kick-out.

Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak.

O.

K.

, matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay “yung conduct mo” at “appearance” ang panakot nila?Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon.

Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist.

Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity.

Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein.

Si Jojo lang ako, kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin.

Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinsiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre.

Kung nalalaman lang nila.

Aral nang aral.

Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi.

Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan.

Hindi na naubusan ng ipari-research.

Walang alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama.

Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali.

Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa.

Lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam.

Pero ang kanyang lihim ay buking na namin.

Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo.

Nang mag-watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin.

Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo par rin.

Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin,

Mrs. Eraser na lang.

Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.

E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo.

Basta magamit lang niya ‘yung nalalaman niya sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay.

Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga asides.

Para tuloy kaming pang-therapy niya lang.

At ang kanyang paboritong paksa, ‘yung kanyang nuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan.

Antique s’yempre ‘yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo).

Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya.

Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya.

Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon.

‘Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis.

‘Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka.

Pagsasabihan ka nito ng “What? Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.

K.

that’s your assignment for tomorrow.”

Saka niya sasabayan ng bura ng maling nakasulat sa blackboard.

Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa.

Hindi ka na nga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang.

Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob, ayun at, “Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatwiran ng mga ito.

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina.

Para na rin sinasabing, ‘pag teacher ka na ay pwede.

Dahil estudyante ka pa lang, tiis.

Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot.

Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nito’y, “Kaya nga ayaw kong matutuhan n’yo ang bisyo dahil pinagdaan ko na ‘yan.

Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye.

Kick-out ako sa kagaguhan daw.

Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.

Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser),

Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.”

Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum.

That’s correct, that Jojo Boy has no sense of de-quo-rum.

I feel though he is brilliant, only my reservation is that….”

“Only he is stubborn.

Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka.

Ipaaamoy sa iyo ang hininga.”

“How true, how true, I swear to God that’s true.”

“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko.

Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”

“And he is always absent.

Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.”

“So what is the verdict of the group?””I could not pass him.”

“Ako rin.”

“God will punish his naughtiness.”

“I will report the matter to his parents immediately.”

Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong.

Nababaliw daw.

Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito.

Iyon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong.

Pag medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinamaan “hi-hi-hi” lang ang sagot nila.

Pag bulls-eye si Minyong, “My God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang katwiran nila.

Si Minyong kasi ay “cultural minority.”

Kindi naman nagprisinta sa kanila ‘yung tao na ditto sa Maynila mag-aral.

Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain.

Bobo, ang sabi nila.

Binigyan ng isang pagkakataon.

Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo’y mawala ang inferiority complex nito.

‘Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang katotohanan.

Sabi ng pangkat ng mga Hari.”

I find him kinda weird lately.”

“So what shall we do with him.”

“Definitely I could not pass him.”

“Oo nga naman.

Gagawa tayo ng masamang precedent.

Mauuso ang bobo sa eskwelahan.

Remember, Philippine School for Science and Technology ito.

Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede.”

“Pero cultural minority ‘yan.”

“And so what?””Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.”

“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.”

“What now?””Ano pa, e di ibagsak.”

Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.”

Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit-kumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya.

Ganito raw iyon.”

Have you considered his case lately?””Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?””Mabuti siguro’y pauwiin na natin sa kanilang tribo.”

“Dapat nga, baka manakit pa ‘yan ay maraming madamay.”

“Oh, how I abhor violence.”

“Baka ‘ka mo manunog pa yan.

Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”

“E kung ipa-confine natin sa mental?””At sinong magsu-shoulder ng bill?”Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.

Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol.

Paminsan-minsan nama’y “humane” sila ika nga.

Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin.”

Ipasa na natin si Osias.”

“Pero mababa ‘yan sa Physics.”

“Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo.”

“Thoughtful yang batang yan.

Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”

“Talaga.

At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala.”

“How about Armando? Another cultural minority?””Excuse me.

He is not a thoroughbred cultural minority.

It is only the mother.

The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.”

“Ang sweet-sweet ng batang ‘yan.

Manang-mana sa Tatay nya.”

“Pogi talaga.”

“You bet.

Doctor pala ang ama nyan.”

“Ipapasa ko ‘yan.

Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent.

Nagkasakit kasi.”

“Ano, pasado na tong dalawa?””Approve.”

Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor.”

Come on in.

Sit down.”

Sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle.

Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.”

Called you for two reasons.

Regarding our lesson and your attitude in class.”

Idiniin niya yung your attitude.

Heto na naman kami sa loob-loob ko.

Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit.

Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay.”

Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.”

Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili.

Konting tiis.

Mahirap makipagtalo sa teacher.

Ngiti ka lang basta.

Titigil din ‘yan pag nagsawa.

Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon.”

Walang essence ang pinagsasabi mo kanina.

Iyon ay isang halimbawa ng a priori statement.

Do you get me?” Tumango naman ako.”

Good.

Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen to have.

Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world.

Our lesson is more complicated than you thought.

What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary philosophy, which is altogether wrong.

Bait hindi mo gamitin ang power o elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa West.

Bakit hindi ka makigaya?”Huwag mong pansinin, ngiti lang.

Paalala ko ulit sa sarili ko.

Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita.

Pasasaan ba’t mauubusan din yan ng sasabihin.

Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa.

Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng tama.”

Do you get me?”Tango pa rin ako.

At ngayon, ang part II ng kanyang sermon.”

To be honest about it, I don’t like your attitude in class.

Smart aleck!” Yuko na lang ako.

Saka ako bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.”

Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa.

Napaamo niya ang suwail ng eskuwelehan.

Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi ko ring “The feeling is mutual.

I also don’t like you, Ma’m.”

Sa halip ang nasabi ko na lang ay “Can I go now, Ma’m?””I’m not yet through.”

Ibig pa palang sabihin ay may part III pa ‘tong usapang ito.”

They saw you in the chapel last night.”

Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob ko.

Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.”

How young are you, Jojo? Speak up.”

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya.

Hindi ako sasagot.”

Speak up I said.”

“Seventeen.”

“Seventeen and already you are…” Sa ayaw at sa gustoniya, tama na ang narinig ko.

Tumayo ako para umalis.

Bago ako nakahakbang, dinugtungan pa niya ang kanyang sermon, “I’ll let your mother know about this.”

Gusto ko na talagang magwala.

Gusto ko siyang balikan.

Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo.

Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari.

Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess.

Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi.

Kawawang Tess.

Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante.

Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop.

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng “balang araw.”

Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit.

Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.”

Jo, balita nami’y bida ka na naman.”

Hayaan mo na ang mga hayupak na ya’t magsasawa din yan” sagot ko naman.”

Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”

“Tigil,” sabi ko.”

Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin kanina?””Isa pa ‘to, anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik, walang himalang mangyayari doon,” sabi ko.”

Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.”

“Isa ka pa.”

Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.”

Malay mo, baka may lahing Mrs. Robinson yon.”

Saka sila nagtawanan.

Nakitawa na rin ako kahit na nabuburat na ako sa buhay.”

Tara na lang sa Cubao.”

Yaya ko sa kanila.

‘Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit.

Saka pinabuntutan ng one for the road.

Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon din kabilis ang oras.”

Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?””Ano ba, di holding hands.

Masama ba ‘yon? Para nagsusumpaan lang kami sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out.

Kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila.

Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.”

“Sila kaya, paano naging tao?””Natingnan lang, nabuntis na.”

Saka sila nagtawanan.

Buti pa sila, kahit paano’y masaya.

Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita.

Sobra na ‘to.

Bakit ba ayaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo.

Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba ‘yung tinatawag nilang expertis, ‘yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon?Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin.

Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo?Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay.

Kick-out din siya.

Bawal sa school ang mahabang buhok.

Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng “Comply with school requirements.

Maximum tolerable haircut please.”

Ibig sabihin noon ay ahitan ang batok.

Gawing korteng kutsarita ang tuktok.

Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao ‘yan.

Bawal ang lasenggo sa klase.

E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y hindi rin.

Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education.

Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M. A. at Ph. D.

Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs.

Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito.

Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance.

Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa.

Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of decorum.”

Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa West, bakit hindi ka makigaya…” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta.

Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo).

Naiisip ko tuloy kung propriety din ‘yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules.

‘Yan bang parang aatend sila ng party.

‘Yun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” na sasagutin naman ng kausap ng “Mura lang ‘yan , siento isang yarda.

Christian Dior, original ‘yan, hindi gawang Rustan’s.”

At para talagang mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango.

‘Yung parang walking pharmacist.

Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal).

At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri.

Sa kanilang “ganda” at “ningning,” para kang nakakita ng Xmas tree sa isang mahal na araw.

‘Yun ang proper sa kanila.

Kung sabagay, hindi nila maiino ‘yon.

Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo.

Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus.

Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo.

Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy.

Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bigkas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin siya.

Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas.

Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin.

Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin.

Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.”

Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata.

Para bang nang ipinanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay.

Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante.

‘Yun kayang conduct nila sa klase noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa ng Roma.

Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints.

Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo? Buti pa sa referendum kasali kami.

Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral character? ‘Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi namin pwedeng pagpasyahan, “for adults” lang kasi ‘yon.

Ops, nakadi-jingle mag-isip.

‘Yung barkada, iba na ang usapan.”

Lagyan kaya natin ng thumbtacks ‘yung upuan ni Mrs. English?””Di aaray yun!””Hi-hi-hi.”

Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis.

Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng kape.”

Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan baling araw, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap namang umingles.

Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak alam na niya ang problema ko.

Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung “Blessed are the poor students for they shall inherit…” Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba.

Ayaw kong maging Minyong.

Kailangang magsalita na ako, baka ako mabaliw.

Ayaw kong maging robot, ayaw kong maging bato.

Hindi baleng drop-out, basta tao lang ako.

Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang akung sumbong.

Marami na roong nauna.

“What you’re holding now is the future of the fatherland.”

“If you can reach this high, you shall be great.”

“Ibagsak ang pasismo.”

“LABAN.”

“Putang’ina n’yo.”

“Alpha Phi Omega.”

“Wanted pen-pal.”

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong.

Pero sa ngayon idi-jingleko na lang muna ang sama ko ng loob.

By Jun Cruz Reyes
Utos ng Hari