Mayroong isang mabait na matanda. Ang pangalan niya ay Geppetto. Isa siyang manlililok. Umuukit siya ng iba’t ibang bagay mula sa kahoy.
Walang anak si Gappetto. Dahil sa kahiligan niya sa mga bata naganyak siyang umukit ng isang batang lalaki. Masaya siya habang ginagawa ito. Sa wakas ay nayari niya ang isang batang lalaki. Pinangalanan niya itong Pinnocchio.
Bukod kay Pinnocchio, ang matanda ay may iba pang alaga. Ang pusang si Pigaro at ang isdang si Cleo.
Tinalian niya ng pisi ang mga kamay at paa at ulo ni Pinnocchio. Dahil dito ay napapasayaw niya ang taong maliit na gawa sa kahoy.
“Sana ikaw ay isang tunay na batang lalaki,” ang sabi ng matanda, “marahil ang saya natin palagi.”
“At ako naman, hindi ba ninyo ako isasali?” ang tanong ng pusang si Pigaro.
“Ho-ho-ho, ikaw ay lagi naming kasali’t isasama kahit saan.” Tawagin mo siyang Pinnocchio ang sabi ng matanda sa pusa.
Si Pinnocchio ay may sadyang tulugan. Isang maliit nakama na ginawa ng matanda. Alas nuwebe kung matulog si Pinnocchio. Lagi nitong binubuksan ang bintana na kung saan ay tanaw na tanaw ng bituing panggabi.
“Oh, magandang bituin, sana nga ay maging tunay na bata si Pinnocchio,” ang sabi ng matandang Geppetto.
Nakatulog na ang matanda nguni’t ang pusa ay hindi. Iniisip pa rin niya ang kahilingan ng matanda. Maya-maya’y nakarinig ng magandang awitin ang pusa at ang bituing panggabi ay bumaba mula sa langit at nagtuloy sa kanilang kuwarto. Ang bituin ay naging anghel. Lumapit ang anghel kay Pinnocchio.
“Gising, gising Pinnocchio. Mula ngayon ay magkakaroon ka ng buhay. Maging maibait ka sana. Bigyan mo ng kaligayahan si Geppetto. Naririto ang kakambal mo, si Jimmy Cricket. Siya ang kaibigan at katulong mo.” At biglang nawala ang anghel.
Kinaumagahan ay laking gulat ni Geppetto nang makita si Pinocchio na buhay na buhay. Laro nang laro ang bata.
“Ako ngayon ay isa nang tunay na bata at mabait,” ang sabi ni Pinnocchio sa matanda.
Nagsimula nang mag-aral si Pinnocchio. Kasama niyang lagi ang kanyang kaibigan, si Jimmy Cricket. Ito ang tanungan niya ng anumang kanyang gagawin.
Nguni’t isang araw ay nakalimutan ni Pinnocchio ang kanyang kaibigang si Jimmy Cricket. Naiwan niya ito. Dahil dito ay naglakad siyang mag isa. Bigla na lamang siyang bumagsak sa daan. Nang itaas niya ang mukha ay nakita niya si Matandang Fox at si salbaheng Pusa. Pinatid ni Matandang Fox ang paa ni Pinnocchio kaya ito ay nadapa.
Hinikayat ng dalawa si Pinnocchio na sumama sa kanila. Nang dumating si Jimmy Cricket ay wala na si Pinnocchio at ang dalawang salbahe. Gayunpaman ay sinundan niya ang mga ito. Naabutan niya ang tatalo.
Nang may dumaang karuwahe ay pinahinto ni ito ng dalawang salbahe. Inabot nila sa kutsero si Pinnocchio kapalit nang isang supot na may laman, Ipinagbili nila sa kutsero si Pinnocchio. Natakot si Jimmy Cricket, nguni’t sumakay na rin siya upang mabantayan si Pinnocchio.
Sa loob ng karuwahe ay marami pa ring ibang bata. Nagkakagulo ang mga bata. Ang pinakapinuno ng mga bata ay naging kaibigan ni Pinnocchio. Subalit ang mga batang ito ay mga salbahe. Pinagbawalan ni Jimmy si Pinnocchio na makisama sa mga salbaheng bata.
Araw-araw ang mga bata ay naglalaro. Kumain ng kendi at sorbetes. Nagbabasag ng mga bintana at naghahagis ng mga puntik sa bahay. Sinisira rin nila ang mga kasangkapan.
“Pinnocchio, tama na iyan,” ang wika ni Jimmy Cricket. Hindi nakinig si Pinnocchio.
“Sige, umalis ka na Jimmy. Nasusuya na ako sa iyo,” ang sagot ni Pinnocchio.
Nang walang anu—ano’y nakita ni Pinnocchio ang isang kasama niyang bata. Nagkaroon ito ng mahabang tenga at ni labasan ng mahabang buntot. Ito ay naging isang kabayo. Sinilo ito ng kutsero at hinila.
“Ngayon ay mayroon na akong ipagbibiling kabayo.” ang natuwang sabi ng kutsero.
Naramdaman ni Pinnocchio na siya rin ay tinitubuan ng mahabang tenga at buntot. Nang makita ito ng kutsero ay hinabol na rin si Pinnocchio upang siluhin. Ngayon ay may isa na naman siyang kabayo naipagbibili.
Tumakbo si Pinnocchio kasama si Jimmy Cricket hanggang sa tabi ng dagat. Lumundag silang dalawa upang makalayo sa masamang ta. Bumalik sila sa bahay ni Geppetto subalit wala doon ang matanda. Naghahanap ang matandang Geppetto at ng kanyang pusang si Pigaro. Hinahanap nila si Pinnnocchio.
Umiiyak si Pinnocchio at nagsisisi sa nagawang kasalanan. Naghanap sila nang naghanap. Maraming lugar ang kanilang narating makita lamang si Geppetto. Maraming gulo at hirap silang dinanas. Nguni’t hindi rin nila nakita si Geppetto.
Ang anghel na bituin ay laging nakasubaybay kay Pinnocchio. Isang araw ay nakita rin nila si Geppetto. Pinagdudahan ng matanda ang kaanyuan ni Pinnocchio dahil sa mahabang tainga at buntot ni Pinnocchio.
“Nagsisisi na ako, aking ama. Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan,” ang sabi ni Pinnocchio. “Ngayon ay magiging mabait na bata na ako.”
Biglang nag liwanag ang kanilang kuwarto. Lumabas ang anghel na bituin. Nilapitan niya si Pinnocchio at hinipo ito.
“Dahil sa iyong pagsisisi mula ngayon ay magiging tunay na bata ka na,” ang sabi ng anghel. “At ikaw naman, Jimmy, ay bibigyan ko ng isang gintong bituin.”
Magmula nga noon ay naging isang tunay na bata na si Pinnocchio. Isang mabait na bata.