Olaging (Epiko ng Bukidnon)

Ang Olaging ng Bukidnon ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan. Kuwento ito ng mga taong nagpapahalaga at nagma­malaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu. Bagaman mayroong mga pinsala, naipanalo nila ang labanan. Isa si Matabagka, ang kapatid na babae ni Agyu, sa mga nag­tagumpay nang ipagtanggol niya ang Nalandangan habang naglalayag ang mga kalalakihan.

Ang tawag ng mga Arakan-Arumanen at Livunganen-Arumanen para sa epikong-bayan ay “olaging,” “ulahing,” o “ulahingan.” Mayroong itong dalawang bahagi: ang kepuunpu-un na tungkol sa pag-akyat ni Agyu at ng kaniyang kamag-anak sa langit; at ang sengedurug na tungkol sa paki­kipagsapalaran nila. Ang kepuunpu-un ay isang estandardisadong narati­bo. Maaaring gumawa ng maraming sengedurug kung kaya nagkaroon ng iba’t ibang kuwento na umiikot sa mga kamag-anak ni Agyu. Naiiba ang naturang epikong-bayan tungkol kay Agyu at sa kaniyang mga kamag-anak dahil hindi ito ang karaniwang kuwento ng paghahanap ng isang bayani ng kaniyang mapapangasawa. Sa halip, layunin ng bayani ang ipagtanggol ang kaniyang lupain upang mapanatili ang kanilang lahi at tribu.

Olaging