Geyluv

That’s all and he never spoke again.

His wet tongue suppressed my reaction to what he said.

I love you, Mike.

The words kept repeating in my mind.

There is no pretense, but you can feel the bitterness in every word.

The ice in the beer glass has melted, the sisig has cooled down, the singer knows, but neither of us is saying anything.

It’s three o’clock, let’s go home.

Miss, our bill.

Until we reach his apartment.

Still nothing to say.

So I’m the first.

Will we continue to Baguio tomorrow, Benjie? Yes, at four o’clock in the afternoon, at the Dagupan Terminal.

Good night.

Take care.

Are you okay, Benjie? You are speechless.

Are you sure you don’t want me to stay tonight? Don’t worry, Mike.

I’m okay.

Okay.

Good night.

I’ll call you up later.

Remember that when parting ways.

Whoever is the last to come home, must call upon arrival to make sure they got home safely.

That was two years ago.

But sisters, I gave in again to the cry of my heart.

I was speechless after I mentioned to him “I love you, Mike.

” And my intention is really, while it’s time for me not to talk to him, after that trying-hard-to-be-romantic evening.

My God, what can I expect from Mike? When we first met at the media party, I didn’t pay attention to him.

Yes, Mike is handsome and has a macho butt, but he’s not really my type.

This Joana is very close to me.

If I noticed the handsome man standing there in a corner.

Let’s introduce ourselves.

We will help with the media projection of our services.

They said we will invite them to the office.

The projection of luka-luka is constant.

Pagtaasan ko nga ng kilay ang hitad! Sabi ko sa kanya, wala akong panahon at kung gusto niyang maglandi nung gabing iyon, siya na lang.

Talaga naman pong makaraan ang tatlong masalimuot na love-hate relationship na tinalo pa yata ang love story nina Janice de Belen at Nora Aunor, sinarhan ko na ang puso ko sa mga lalaki.

Sa mga babae? Matagal nang nakasara.

May kandado pa!Aba, at mas guwapo pala sa malapitan ang Mike na ito.

At ang boses! Natulig talaga nang husto ang nagbibingi-bingihan kong puso.

And after that meeting, one week agad kaming magkasama sa Zambales.

Of course, siya ang nagprisinta.

di ako.

At noon na nagsimula ang problema ko.

Imbyerna na ako noon kay Joana, noong magpunta kami sa Zambales para sa interview nitong si Mike.

Aba, pumapel nang pumapel ang bruha.

Daig pa ang “Probe Team” sa pagtatanong ng kung anu-ano rito kay Mike.

At ang Mike naman, napaka-accomodating, sagot nang sagot.

Pagdating naman sa Pampanga, bigla nga akong nag-ayang tumigil para mag-soft drink.

Kailangan ko na kasing manigarilyo nang mga oras na iyon.

Tense na ako.

Gasgas na sa akin ang puna ng mga amiga kong baklita na ilusyon ko lang ang paghahanap ng meaningful relationship.

Sabi ko naman, tumanda man akong isang ilusyunadang bakla, maghihintay pa rin ako sa pagdating ng isang meaningful relationship sa aking buhay.

Naniniwala yata akong pinagpala din ng Diyos ang mga bakla!.

Mataray itong si Benjie, mataray na bakla, ‘ika nga.

Pero mabait.

Habang lumalalim ang aming pagiging magkakilala, lalo ko namang naiintindihan kung bakit siya mataray.

Well, if you don’t respect me as a person dahil bakla ako, mag-isa ka.

I don’t care.

‘Yun ang usual defense niya ‘pag may nanlalait sa kanyang macho.

I’ve been betrayed before, and I won’t let anybody else do the same thing to me, again.

Ever!Ang taray, ano po? Pero hanggang ganyan lang naman ang taray nitong si Benjie.

Para bang babala niya sa sarili.

Lalo na pag nai-involve siya sa isang lalaki.

Natatakot na kasi siyang magamit, ang gamiting ng ibang tao ang kanyang kabaklaan para sa sarili nilang kapakanan.

May negative reactions agad siya ‘pag nagiging malapit at sweet sa kanya ang mga lalaki.

At halata ang galit niya sa mga taong nate-take advantage sa mga taong vulnerable.

Tulad noong nakikinig siya sa interview ko sa namamahala ng evacuation center sa isang eskuwelahan sa Zambales.

Naikuwento kasi nito ang tungkol sa asawa ng isang government official na ayaw sumunod sa regulasyong ng center sa pamamahagi ng relief good upang maiwasan ang gulo sa pagitan ng mga “kulot” at “unat na pawang mga biktima ng pagsabog ng Pinatubo.

Simple lang naman ang regulasyon: kailangang maayos ang pila ng mga kinatawan ng bawat pamilya upang kumuha ng relief goods.

Ang gusto naman daw mangyari ng babaeng iyon, tatayo siya sa stage ng eskuwelahan at mula doon ay ipamamahagi niya ang mga relief goods, kung kanino man niya maiabot.

Alam na raw ng mga namamahala ng center ang gustong mangyari ng babae: ang makunan siya ng litrato at video habang kunwa’y pinagkakaguluhan ng mga biktima—unat man o kulot.

Nasunod ang gusto nung babae, ngunit ang mga unat lamang ang nagkagulo sa kanyang dalang relief goods.

Ayon sa namamahala ng center, nasanay na raw kasi ang mga kulot sa organisadong pagkuha ng mga relief goods.

Pero nagreklamo rin sila nung bandang huli kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong.

Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang pangalan ng babaeng iyon.

Irereport mo?Hindi.

Susulatan mo?Hindi.

Ano’ng gagawin mo?Ipakukulam ko.

Ang putang inang iyon.

Anong akala niya sa sarili niya, Diyos? Isula mo iyon, ha.

Para malaman ng lahat na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais talagang tumulong.

Takot din siyang makipagrelasyon.

At ‘di rin siya nanlalalaki, ‘yun bang namimik-ap kung saan-saan.

Bukod sa takot itong si Benjie na magkaroon ng sakit at mabugbog, di rin niya gustong arrangement ang money for love.

Gusto niya, ture love at meaningful relationship.

‘Yun din naman ang hanap ko.

Now, don’t get me wrong.

I’m straight, okay?Si Carmi ang pinakahuling naging syota ko.

Sabi nila maganda.

Sabagay, maganda naman talaga itong si carmi.

Sexy pa.

Ewan ko nga lang dito kay Carmi kung bakit laging nagseselos sa akin.

Hanggang ngayon, di pa rin niya maintindihan ang nature ng trabaho ko, e dalawang taon na kaming magsyota.

Kung mag-demand sa akin, para bang gugunawin ng Diyos ang mundo kinabukasan.

E, para sa’kin, di rin ito ang ibig sabihin ng meaningful relationship.

Ayoko nang binabantayan ang lahat ng kilos ko.

Ayoko ng laging ini-interrogate.

Ayaw ko ng pinamimili ako between my career at babae.

Para sa akin, pareho itong bahagi ng future ko.

Last year, inisplitan ako ni Carmi.

Di na raw niya ma-take.

Gusto raw muna niyang mag-isip-isip tungkol sa aming relasyon.

Gusto raw niyang magkaanak sa akon, pero di niya tiyak kung gusto niya akong pakasalan.

Naguluhan din ako.

Parang gusto kong ayaw ko.

Mahal ko si Carmi, and I’m sure of that.

Pero kung tungkol sa pagpapakasal, out of the question ang usaping ‘yun.

Una, di kayang buhayin ng sweldo ko an gpagbuo ng isang pamilya.

Pangalawa, di ko alam kung an gpagpapakasal nga ay solusyon para matigil na ang pagdedemand sa akin ni Carmi.

At pangatlo, di rin sigurado itong si Carmi sa gusto niyang gawin.

Pumayag ako.

Almost one year din akong walang syota.

Isinubsob ko ang sarili sa trabaho.

Pero, from time to time, nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan.

Well, every time na nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan, bigla ko siyang mamimi-miss, kung kailan kaharap ko na.

Siguro’y dala ng lungkot o ng libog.

Kung anumang dahilan ng magka-miss ko sa kanya ay di ko tiyak.

Pinipigilan ko na lang ang sariling ipadama sa kanya ang nararamdaman ko, dahil sa tingin ko’y mas naging masaya siya mula nang isplitan niya ako.

Nakakahiya naman yatang ako pa ang unang umamin na gusto ko ulit siyang balikan, e siya itong nakipag-break sa akin.

Naipakilala ko si Camrmi kay Benjie sa mga dates na iyon.

At naikuwento ko na rin noon kay Benjie ang tungkol sa nakaraan namin ni Carmi.

Carmi, this is Benjie.

Benjie, this is Carmi.

Hi.

Hello.

.

Daaay.

Maganda ang Carmi.

Mas maganda at mas sexy kaysa kay Carmi Martin.

Pinaghalong Nanette Medved at Dawn Zulueta ang beauty ng bruha.

Ano? At bakit naman ako mai-insecure, ‘no? May sariling ganda yata itong ditse mo.

At isa pa, wa ko feel makipag-compete sa babae.

Alam ko namang may naibibigay ang babae sa lalaki na di ko kaya.

Pero manay.

Mayroon din akong kayang ibigay sa lalaki na di kayang ibigan ng babae.

Kaya patas lang.

.

kung may labanan mang magaganap.

Pero maganda talaga ang bruha.

Bagay na bagay sila ni Mike.

Nagtataka nga ako kung bakit pa niya pinalampas itong si Mike, e ang kulang nal ang sa kanila ay isang fans club at buo na ang kanilang love team.

Nanghihinayang talaga ako sa kanilang dalawa.

They’re such a beautiful couple.

Na-imagin ko agad ang kanilang mgagiging mga anak.

The heirs to the thrones of Hilda Koronel and Amalia Funetes o kaya’y ni Christopher de Leon at Richard Gomez.

Noong una, medyo naaalangan ako kay Carmi.

Para kasing nu’ng makita ko silang dalawa, ang pakiramdam ko, kalabisan na ako sa lunch date na pinagsaluhan namin.

Di naman feeling of insecurity dahil ang gusto ko lang, makausap sila ng tanghaling iyon at baka sakaling maayos na ang kanilang relationship.

Tingin ko naman dito kay Carmi, ganoon din.

Parang may laging nakaharang na kutsilyo sa kanyang bibig ‘pag nagtatanong siya sa akin o kay Mike.

Di kaya siya na-insecure sa beauty ko? Tingin n’yo?.

Naging magkaibigan na nga kami ni Benjie.

Kahit tapos na ang ginagawa kong article tungkol sa kanilang project, madalas pa rin kaming magkita.

Nag-iinuman kami, nanonood ng sine, o kaya’y simpleng kain lang sa labas o pagbili ng tape sa record bar.

Marami naman akong naging kaibigang lalaki, pero iba na ang naging pagkakaibigan namin ni Benjie.

Noong una’y naalangan nga ako.

Aba, e baka ‘ka ko mapaghinalaan din akong bakla kung isang bakla ang lagi kong kasama.

Sabagay, di naman kaagad mahahalatang bakla nga itong si Benjie.

Loveable naman si Benjie.

Kahit may katarayan, mabait naman.

Okey, okey, aaminin ko.

Sa kanya ko uanang naranasang magkaroon ng lakas ng loob na ihinga ang lahat ng nararamdaman ko.

‘Yun bang pouring out of emotions na walang kakaba-kabang sabihan kang bakla o mahina.

At pagkaraan ay ang gaan-gaan ng pakiramdam mo.

Sa barkada kasi, parang di nabibigyan ng pansin ‘yang mga emotions-emotions.

Nakakasawa na rin ang competition.

Pataasan ng ihi, patibayan ng sikmura sa mga problema sa buhay, patigasan ng titi.

Kapag nag-iinuman kami (at dito lang kami madalas magkasama-sama ng barkada), babae at trabaho ang pulutan namin.

Sino ang minakamahusay na mambola ng babae, sino sa mga waitress sa katapat na beerhouse ng opisina ang nadala na sa motel, sino ang pinakahuling sumuka nu’ng nakaraang inuman? Well, paminsan-minsan, napag-uusapan ang tungkol sa mga problemang emosyonal, pero lagi at lagi lang nagpapaka-objective ang barkada.

Kanya-kanyang pagsusuri ng problema at paghaharap ng immediate solutions bago pa man pagpakalunod sa emotions.

Kaya hindi ako sanay na nagsasabi kung ano ang nararamdaman ko.

Ang tumbok agad, ano ang problema at ano ang solusyon.

Pero ‘yun nga, iba pala kapag nasusuri mo rin pati ang mga reactions mo sa isang problema, basta nase-share mo lang kung bakit ka masaya, kung bakit ka malungkot.

Kay Benjie ko nga lang nasasabi nang buong-buo ang mga bagay na gusto kong gawin, ang mga frustrations ko, ang mga libog ko.

Mahusay makinig itong si Benjie.

Naipapakita niya sa akin ang mga bagay na di binibigyan ng pansin.

Tulad ng pakikipagrelasyon ko kay Carmi.

May karapatan naman daw mag-demand si Carmi sa akin dahil siya ang kalahating bahagi ng relasyon.

Bada daw kasi di ko pa nalalampasan ang nangyari sa akin nang iwan na lamang ako basta-basta nu’ng una kong syota kaya di ko mabigay ang lahat ng pagmamahal ko kay Carmi.

Di lamang daw ako ang lagin iintindihin.

Unawain ko rin daw si Carmi.

.

Di ba totoo naman? Na baka mahal pa rin niya talaga si Carmi? Kahit ba mag-iisang taon na silang break, nagkikita pa rin naman sila paminsan-minsan.

Ni hindi pa nga siya nakikipag-relasyon sa ibang babae after Carmi.

Ito ngang si Joana, panay na ang dikit sa kanya ‘pag dinadaanan ako ni Mike sa office, di pa rin niya pansin.

Sabagay, di naman talaga niya matitipuhan si Joana.

Not after Carmi.

So, noong una, sabi ko, wala namang masama kung magiging magkaibigan kami.

Nasa akin na ang problema kapag nahumaling na naman ako sa lalaki.

Madalas kaming lumabas, lalo na after office hours at during weekends.

Manonood ng sine, kakain, iimbitahan ko siya sa apartment for beer o kapag may niluto akong espesyal na ulam o kaya’y nag-prepare ako ng salad.

Kapag umuwi ako sa Los Baños para umuwi sa amin, sumasama siya minsan.

Na-meet na nga niya ang mother ko.

Nagpapalitan rin kami ng tapes at siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagong labas na computer programs.

So, okey lang.

Pero unti-unti, di na lang tapes at salad o computer programs ang pinagsasaluhan namin.

Aba, may kadramahan din sa buhay itong si Mike.

Ang dami pa raw niyang gustong gawin sa buhay na parang di niya kayang tuparin.

Gusto raw niyang makapagsulat ng libro, gusto daw niyang mag-aral muli, gusto raw niyang mag-abroad.

Kung bakit daw kasi di pa niya matapus-tapos ang kanyang M.

A.

thesis para makakuha siya ng scholarshi? Kung kuntento na raw ba ako sa buhay ko? Ang lahat ng iyon ay kayang-kaya kong sagutin para kahit papaano ay ma-challenge siya na gawin niya kung ano ‘yung gusto niya at kaya niyang gawin.

Maliban na lang sa isang tanong na unti-unti ko nang kinatatakutang sagutin nang totoo: kung mahal pa raw kaya niya ni Carmi?.

Madalas akong malasing na siya ang kasama, pero ni minsan, di niya ako “ginalaw” (to use the term).

May mga pagkakataong tinutukso ko siya, pero di siya bumibigay.

Tinanong ko nga siya minsan:Don’t you find me attractive, Benjie?At bakit?Wala.

Wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung bakit.

Baka siya masaktan, maka ‘di niya maintindihan, baka lumayo siya sa akin.

Ayaw kong lumayo sa akin si Benjie.

Di rin naman perpekto itong si Benjie.

Pero di ko rin alam kung ituturing kong kahinaan ang naganap sa amin minsan.

.

Kung kasalanan man iyon, dapat ay sisihin din ako.

Nagkasunod-sunod ang disappointments ko.

Di ko matapus-tapos ‘yung article na ginagawa ko tungkol sa open-pit mining sa Baguio dahil nagkasakit ako ng tatnlong araw at naiwan ako ng grupong pumunta sa site para mag-research.

Na-virus ‘yung diskette ko ng sangkaterbang raw data ang naka-store.

Nasigawan ako nu’ung office secretary na pinagbintangan kong nagdala ng virus sa aming mga computers.

Na-biktima ng akyat-bahay ‘yung kapatid kong taga-Ermita.

At tinawagan ako ni Carmi, nagpaalam dahil pupunta na raw siya ng States.

Ang dami kong nainom noon sa apartment ni Benjie.

Nang nakahiga na kami, yumakap ako sa kanya, mahigpit.

Bulong ako ng bulong sa kanyang tulungan niya ako.

Kung ano ang gagawin ko.

Pakiramdam ko kasi, wala na akong silbi.

Ni ang sarili kong mga relasyon ay di ko maayos.

Alam kong nabigla si Benjie sa pagyakap ko sa kanya.

Kahit nga ako’y nabigla sa bigla kong pagyakap sa kanya.

Pero parang sa pagyakap ko kay Benjie ay nakadama ako ng konting pahinga, ng konting kagaanan ng loob.

Matagal bago niya ako sinuklian ng yakap.

Na nang ginawa niya’y lalong nagpagaan sa pakiramdam ko.

At ang natatandaan ko, hinalikan niya ako sa labi bago ako tuluyang makatulog.

Ako ang hindi makatingin sa kanya nang diretso kinabukasan.

Sorry.

For what?Kagabi, tinukso kita uli.

Nagpatukso naman ako, e.

Pero wala namang malisya sa akin iyon.

‘Wag na nating pag-usapan.

Nakatulog ka ba?Hindi.

Bakit?Binantayan kita.

Bakit?Iyak ka ng iyak.

Oo nga.

Para akong bakla.

Di porke bakla, iyakin.

Sorry.

Mag-almusal ka na.

Di ka ba papasok?Hindi muna.

Labas na lang tayo.

Marami akong gagawin sa office.

Di ako pwede.

Pwedeng dito na lang muna ako sa bahay mo?Sure.

Mamayang gabi na lang tayo lumabas.

Sige.

Ikaw ang bahala.

Inaamin ko ulit.

Kakaibang closeness ang nadama ko kay Benjie mula nung gabing iyon.

Noong una’y idini-deny ko pa sa sarili ko.

Pero sa loob-loob ko, bakit ko idi-deny? Anong masama kung maging close ako sa isang bakla? Kaibigan ko si Benjie, and it doesn’t matter kung anong klaseng tao siya.

Sigurado naman ako sa sexuality ko.

‘Yun ngang mga kasama ko sa trabaho, okey lang sa kanila nang malaman nilang bakla pala si Benjie.

Di sila makapaniwalang bakla si Benjie at may kaibigan akong bakla.

E, super-macho ang mga iyon.

Ingat lang daw ako.

Na ano? Baka raw mahawa ako.

Never, sabi ko pa.

Hanggang kaibigan lang.

.

Sinasabi ko na nga ba, walang patutunguhang maganda ang pagka-kaibigan namin nitong si Mike.

Ayoko, ayoko, ayokong ma-in love.

Di ko pa kayang masaktan muli.

Ayokong sisihin niya ako sa bandang huli.

Baka mawala ang respeto niya sa akin.

Baka masira ang magandang pagkakaibigan namin.

Pero, Mike, di ako perpektong tao.

May damdamin ako, may libog ako, marunong din akong umibig at masaktan.

Ang drama, ateeee.

Pero ang mga ito ang gusto kong sabihin sa kanya nang gabing iyon.

Gusto ko siyang tilian at sabihing: tigilan mo ako, kung gusto mo pang magkita tayo kinabukasan! Naloka talaga ako nang bigla na lang isyang yumakap sa akin.

E, ano naman ang gagawin ko, ano? Lungkot na lungkot na nga ‘yung tao, alangan namang ipagtabuyan ko pa.

At para ano? Para lang manatili akong malinis sa kanyang paningin? Para lang mapatunayan sa kanyang ako ang baklang ipagduldulan man sa lalaking nasa kalagayang katulad niya, sa gitna ng madili na kuwartong kaming dalawa lang ang laman, ay di lang yakap at halik ang gusto kong isukli sa kanya nang gabing iyon.

At di rin kahalayan.

Gusto ko siyang mahalin.

Gusto kong ipadama ang nararamdaman ko para sa kanya.

Isang gabi lang iyon.

Marami pang gabi ang naghihintay sa amin.

At di ako bato para di matukso.

Higit sa lahat, bakla ako.

Take it easy, Benjie.

How can I take it easy, Mike, biglang-bigla ang pagkamatay ni Nanay.

Ni hindi ko alam ngayon kung magsu-survive ako ng wala siya.

Kaya mo, matatag ka naman.

Not without Nanay.

Napaka-dependent ko sa kanya.

Alam mo ‘yan.

Nandito naman ako, Benjie.

Napatingin ako kay Mike.

Oh, my hero! Sana nga’y totoo ang sinasabi mo.

Sana nga’y nandito ka pa rin five or ten years after.

Kahit di ko na iniinda ang pagkawala ng nanay.

Sana nga’y nandiyan ka pa rin even after one year.

Ewan ko lang, Mike.

Di ko alam kung alam mo nga ang sinasabi mo.

Pampadagdag talaga sa mga dalahin kong ito si Mike.

Sa halip na isipin ko na lang kung paano mabuhay nang wala ang nanay ko, iisipin ko pa ngayon kung paano mabuhay ng wala siya.

Okay, okay, I admit it.

Mahal ko nga si Mike.

Pero sa sarili ko lang inaamin ito.

Hanggang doon lang.

Di ko kayang sabihin sa kanya nang harap-harapan.

He’s not gay.

Imposibleng mahalin din niya ako ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Kaibigan ang turing niya sa akin.

At alam ko na kung ano ang isasagot niya sa akin kapag ipinagtapat ko sa kanyang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal ko sa kanya ngayon: that we are better off as friends.

Masakit iyon, daaay.

Masakit ang ma-reject.

Lalo na’t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan.

Nasawi ka na sa pag-ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful friendship.

Naalala ko ang nanay.

Di niya inabutan ang lalaking mamahalin ko at makakasama sa buhay.

Sana raw ay matagpuan ko na “siya” agad, bago man lang siya mamatay.

Noong una niyang makilala si Mike, tinanong niya ako kung si Mike na raw ba? Ang sagot ko’y hindi ko alam.

.

Nandito lang naman ako.

Tumingin sa akin si Benjie.

Napatingin rin ako sa kanya.

Siguro’y kapwa kami nabigla sa sinabi ko.

Nandito naman ako.

Ano bang ibig sabihin nito? Well, nandito ako as your friend.

I’ll take care of you.

Di kita pababayaan.

Ganyan ako sa kaibigan, Benjie.

Pero sa sarili ko lang nasabi ang mga ito.

Buong magdamag nag-iiyak si Benjie sa kuwarto nang gabing iyon bago ilibing ang nanay niya.

Hinayaan ko siyang yumakap sa akin.

Hinayaan ko siyang pagsusuntukin ang dibdib ko.

Yakap, suntok, iyak.

Hanggang sa makatulog sa dibdib ko.

Noon ako naiyak.

Tahimik pa rin si Benjie hanggang sa matapos ang seminar na dinaluhan niya sa Baguio.

Habang sakay ng bus pauwi, noon lamang siya nagsalita.

Sorry sa mga sinabi ko kagabi sa bar, Mike.

Sabi ko na’t ‘yun pa rin ang iniisip mo.

Bakit, di mo ba naiisip ang ibig sabihin nu’ng mga sinabi ko sa’yo?Iniisip ko rin.

So what’s wrong with that?What’s wrong? Mike, umaasa ako sa imposible.

Di masamang umasa.

Kung may aasahan.

At alam ko namang wala.

But don’t you think that we are better off as friends?(Sabi ko na.

Sabi ko na!) But I’ve gone beyond my limits.

Alam mo naman ang ibig kong sabihin.

So what do you expect from me?.

Ano ba talaga ang gustong palabasin nitong si Mike? Ni hindi nagalit.

Di rin naman nagko-confirm na mahal din niya ako.

Ay naku daaay, imbyerna na ako, ha! Ayoko ng mga guessing game na ganito.

Pero mukhang masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya lately.

Open pa rin siya sa akin at mukhang wala namang itinatago.

Wala naman siyang resentment nang sabihin niya sa aking umalis na sa Pilipinas si Carmi.

Pero ako na naman ang naipit sa sitwasyon.

Kung pagdedesisyunin ko siya, baka di ko makaya.

Pero dalawa lang naman ang maaari niyang isagot: oo, mahal din niya ako bilang lover.

Ang problema na lang ay kung matatanggap kong hanggang sa pagiging magkaibigan na lang talaga ang relasyon namin.

Ayain ko kaya siyang maki-share sa aking apartment? ‘Pag pumayag siya, di magkakaroon ako—at kami—ng pagkakataong palalimin ang aming relasyon.

‘Pag tumanggi siya, bahala na.

Sanay na naman akong nag-iisa.

Tiningnan ko sandali si Mike at pagkaraan ay muli kong ibinaling sa may bintana ang aking tingin.

Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road.

Mayamaya lang ay nasa Maynila na kami.

Sana, bago kami makarating ng Maynila, masabi ko na sa kanya ang balak ko.

Ano kaya ang isasagot ni Mike? But, does it matter?Hindi na siya uli nagsalita.

Pero, habang nagbibiyahe kami ay marami na uli akong naikuwento sa kanya.

Nai-enroll ko na uli ‘yung MA thesis ko at papasok na uli ako this semester.

Tinanong ko siya kung pwede niya akong tulungan sa research dahil ‘yung thesis ko rin ang balak kong pag-umpisahan ng isinusulat kong libro.

Ikinuwento ko ring umalis na si Carmi at kasama ako sa mga naghatid.

Tumawag nga rin daw sa kanya at ibinigay ang address sa States para daw sulatan niya.

tinanong ko kung susulatan niya.

Kung may time raw siya.

Inaya niya akong umuwi ng Los Baños para dalawin ang puntod ng nanay niya.

Sabi ko’y sure this coming weekend.

‘Yung tungkol doon sa sinabi niya sa akin noong isang gabi, pinag-iisipan ko naman talaga nang malalim.

Di ako na-offend pero di rin naman ako sure kung gusto ko nga ulit marinig sa kanyang mahal niya ako.

Natatakot akong magbigay ng anumang reaksyon sa kanya.

baka mai-misinterpret niya ako.

Ayokong mag-away kami dahil sa nararamdaman niya sa akit at nararamdaman ko sa kanya.

One thing is sure, though.

Ayokong mawala si Benjie sa akin.

Napakahalaga niya sa akin para mawala.

Ang balak ko’y ganito: tatanungin ko siya kung puwede akong maki-share sa kanyang apartment.

‘Pag pumayag siya, di mas mapag-aaralan ko talaga ang gusto ko—at namin—na mangyari sa aming relasyon.

Kung gusto ko siyang makasama nang matagalan.

Kung mahal ko rin siya.

Kapag hindi, we’ll still be friends.

Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road.

Nakatingin sa labas ng bintana si Benjie.

Alam kong nahihirapan siya.

Kinuha ko ang palad niya at pinisil ko ito.

Kung bakla rin ako? Hindi ako sigurado.

But, does it matter?

By Honorio Bartolome de Dios
Geyluv