Mga Kwento Hango Sa Bibliya (PARABULA)
Ang mga kwentong parabula sa Bibliya ay ang mga talinghagang binanggit ni Hesus na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
1. Nang Magtampo ang Buwan
Naiinggit siya sa araw, dahil ito’y mas sikat at hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya. Samantalang siya’y simbolo lamang ng malalagim na bagay. At kung minsan ay ginagawang palatandaan ng kabaliwan! Walang nananabik sa kanyang pagsikat at walang nanghihinayang sa kanyang paglubog. Habang…
2. Ang Regalo ng Liwanag
Noong unang panahon, sa isang malamig na bahagi ng mundo, may isang grupo ng mga taong naninirahan. Sinasabing ang mga taong ito ang isa sa mga sinaunang nilalang. Marami pa silang bagay na hindi nalalaman o natutuklasan. Napakabata pa ng sibilisasyon at payak pa ang pamumuhay.
3. Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata
Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan. Awang-awa siya rito. Matanda na ang pulubing babae. Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil walang pamilya. Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung…
4. Ang Pinakamaliit na Bato
Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom. Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain. Dalawang batis na ang kanilang…
5. Ang Palaka na Naghahangad Lumipad
Minsan may isang palakang tumingala sa langit at humanga sa mga ibong nagliliparan. Gusto ko ring makalipad na tulad nila! ang sabi niya. Ngunit ang tanong ay papaano? Isang hapon, nakakita ang palaka ng lobong lumilipad. Noon niya…
6. Ang Pagmamahal sa Kapwa
Isang mataas na bundok ang tinangkang akyatin ng isang grupo ng kalalakihan. Ngunit sa proseso ng kanilang pag-akyat, isang pagguho ng yelo ang naganap at marami sa kanila ang nasalanta at namatay. Tatlong lalaki mula sa grupong iyon ang milagrong nakaligtas….
7. Ang Manok at ang Gintong Itlog
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. At nang ito’y kanyang iuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito…
8. Ang Magkapatid
Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang bayan. Ang isa ay mayaman. At ang isa naman ay mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang pagtatanim ng kalabasa. Isang araw, namunga ng isang kakaibang kalabasa ang kanyang pananim. Isang kalabasang may pambihirang laki!
9. Ang Magandang Dilag at ang Kuba
Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan. Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas…
10. Ang Ginintuang Aral
May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan ng pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at…
11. Parabula ng Sampung Dalaga
Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito. Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal. Bagama’t may dala-dalang…
12. Nawawalang Tupa
Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang makinig sa kanyang mga turo. Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga…
13. Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila. Nagkataon namang natutulog noon si Jesus…
14. Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong. Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon!…
15. Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad…
16. Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng kanyang ari-arian. Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto…
17. Ang Kalapati At Ang Uwak
Ilang araw makalipas ang pagbaha sa mundo, inutusan ng Diyos ang uwak na pumunta sa mundo upang malaman kung gaano kalalim ang tubig sa lupa. Nang nasa mundo na siya, namangha siya sa nakitang dami ng hayop na namatay sa lahat ng dako. Naisip…
18. Ang Mabuting Samaritano
Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa sa kautusan upang siya ay subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano…
19. Ang Balyenang Naghangad
Ang balyena marahil ang pinakamalaking nilalang sa mundo. Ngunit ito’y naging dahilan upang magyabang ang isang balyena. Ang sabi niya, Ako ang pinakamalaking nilalang sa mundo, kaya’t hindi ako nararapat sa karagatan lang! Sa lupa, mas higit nila akong kikilalanin at hahangaan!
20. Ang Alibughang Anak
Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng…