Ang Lobo at Ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.

“Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.

“Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili.

Lobo at Ang Ubas