Isang araw, may isang aso ang naglalakad sa may daan habang kagat-kagat sa bibig ang isang pirasong karne. Tumawid siya sa isang tulay at tumingin sa tubig sa ilalim ng tulay. Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa tubig at inakalang ibang aso ito na mayroon ding dalang karne sa bibig.
Malaki at masarap ang dalang karne ng asong nasa harap ko, sa isip ng aso. Kapag nakuha ko ang karneng ‘yan, magkakaroon ako ng dalawang karne. Tiyak mas mabubusog ako at siguradong may tira pa para panghapunan. Tatakutin ko siya at kukunin ang karne nito.
Tumahol siya dahil nais niyang makuha ang karne ng asong nakita. Ngunit sa kanyang pagtahol ay nahuhog sa tubig ang karne sa kanyang bibig at hindi na niya ito muli pang nakuha. Malungkot at gutom na umuwi ang aso.