Noong unang panahon, isinama ng isang babae ang kanyang anak sa taniman ng palay. gaganapin nila ang seremonyang tinatawag na “apoi” para alagaan ng mga anito ang kanilang palayan.
Habang ginagamasan ang bukid, inaalisan ng mga damo, sinabihan ng ina ang anak na pumunta sa talon at maligo.
Bumalik pagkapaligo ang anak at sumamo sa ina, “Gutom na gutom na po ako. Tayo nang umuwi.”
“Hindi muna. Bumalik ka sa talon at maligo muli. Doon ka lamang sa tubig manatili hanggang kita’y tawagin.” Nawili sa paggamas ng damo ang ina at hapon na nang maisipang umuwi.
Nang puntahan nya sa talon ang anak,nakita niya’y buhok na lamang at damit nito. Sa mga buhangin sa baybayin ng talon, sa ilalim ng tubig na daloy nito, napansin niya ang mga ginga at katan, mga kalamnan at buto ng kanyang anak.
At nalaman niya na ang kanyang anak ay naging mga suso.