Noong unang panahon sa isang liblib na lugar kung saan wala pang komunikasyong transportasyon, may isang binata na nagngangalang Tos. Pagsasaka ang ikinabubuhay nila.
Mabait, masipag at nutihing anak ssi Tos a kanyang mga magulang, kaya naman nahulog ang loob sa kanya ng kanyang kasintahang si Marikit.
Si Marikit ay anak ng mangangalakal sa kanilang baryo. Matalino at kaaya-ayang pagmasdan ang mala-dyosa nitong kagandahan kaya ganun na lang ang inggit sa kanya ng kanyang kakambal na si Ina.
Tuwing dapit hapon pagkatapos ng kanilang gawaing bukid ay agad ng nagtungo sa may sapa si Tos upang makipagtagpo kay Marikit. Dito sa sapang ito ang kanilang tagpuan.
Dito rin kung saan magkahawak ang kanilang kamay habang pinagmamasdan ang agos at laro ng tubig ay pinagmamasdan din nila ang kulay berdeng bulubunduking nakapaligid sa kanilang dalawa.
Dito rin sa sapang ito sabay silang nangarap ng buhay na matiwasay at masaganang pamilya pagdating ng panahon na sila’y mag-isang dibdib. Ngunit hindi lahat ay aayon sa ating kagustuhan, dahil lahat tayo ay nadaan sa matinding pagsubok ng buhay.
Isang umaga habang nag-aararosa kanilang bukirin si Tos ay biga na lang siyang napsigaw, “array!” sambit ni Tos, sabay kappa sa dumurugo niyang paa.
Isang mahaba at kinakalawang na pako pala ang yumusok sa kanyang paa. Itinapon niya ang pako at winalang bahala nalang ang sugat at itinuloy ang kanyang pag-aararo.
Pagkauwi ng bahay nakaramdam si Tos na para bang ang bigat ng kanyang pakiramdam nakirot na rin ang kanyang paa.
Kinabukasan ay hindi nakapunta sa bukid si Tos dahil sa pamamaga ng mga paa nito. Nainip naman si Tos kaya naisipan niyang kumuha ng lapis at papel.
Naisip niya na kung may bagay sana na pwedeng isuot sa paa upang maproteksyunan ang mga ito ay hindi sana siya nakaratay ngayon. Nagsimula na syang dumuhit, mula sa kanyang imahinasyon ay nakabuo siya ng isang pares na may hugis paa. Tinawag niya itong “salong paa”.
Samantala, ilang araw pa ang lumipas at tuluyang lumala ang kanyang kalagayan, hanggang sa tuluyabng manghina. Nakiusap siya sa kanyang mga magulang na ipatawag ang kanyang kasintahan at ang kambal nitong si Ina.
Napahagulhol na napayakap si Marikit sa kanyang nobyo at awing awa sa kalagayan ng nobyo. Pinutol ng boses ni To sang iyak ni Marikit. At sinabing ” di na ko magtatagal” sabay abot ang isang papel kung saan nakaguhit ang “salong paa”.
Hiniling ni Tos na makaayos ang magkapatid na sina Marikit at Ina, at dun siya ilibing sa sapa na tagpuan nila. At ganun na nga ang ginawa nila.
Mabilis na lumipas ang panahon at wala na si Tos. Naisipan ni Marikit na tumahi ng tela at gawin ang hugis na nasa larawang iginuhit ng yumaong nobyo.
Mula sa tela ay sinubukan naman niya ang yaring “goma”. Bigla naisip ni Marikit na sa sapa ang kanilang tagpuan at Tos naman ang pangalan ng gumuhit kaya tinawag niya itong “sapa-tos”.
Nagtuwang ang magkapatid na Marikit at Ina para mamuhunan at magtinda ng sapatos at mula sa kanilang pangalang Marikit at Ina ay tinawag ang lugar nilang “MARIKINA”.