Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang Miyog.
Siya ay napakaliitn bata na halos kalahati ng isang normalna bata, ngunit mayroon siyang napakataas na pangarap, na balang-araw,siya ang magbabangon sa kanyang mga magulang sa kahirapan at magtataguyod sa buhay.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, daing sa hirap at laging pagod sa paghahanapbuhay ang mga magulang ni Miyog. Lagi niyang binabalak na tumulong ngunit pinapa-galitan lamang siya ng kanyang ama at sinasabing, “huwag ka ngtumulong, maliit ka, wala kang maitutulong at sa halip ay makakaperwisyo ka pa”.
Kaya sa tuwing umaalis ng bahay ang kanyang mga magulang upang maghanapbuhay, palihim na lang niyang nililinis ang kanilang tahanan at maging ang kapaligiran nito bilang tulong, ngunit hindi ito napapansin ng kanyang mga magulang.
Isang gabi, nag-usap ang mag-asawa. Kahit ano gawin nating pagsisikap ay hindi pa rin tayo makaahon sa ating pagkakalugmok. Habang tumatagal, lalotayong naghihirap, sabi ng ama.
Ang ating anak, mula nung iniluwal ko siya ay naging kakambal na natin ang kahirapan, malas na siya wala pa siyang pakinabang, ang sabi ng ina. Ngunit ang hindi nila alam ay naririnig pala sila ni Miyog.
Dahil sa sama ng loob, naisip ni Miyog nau malis upang mag isip-isip. Buong gabi siyang umiyak ng umiyak. Kinabukasan ng madaling araw, lumayas siya at sa harap ng kanilang pinto ay nag-iwan ng sulat na naglalaman ng kanyang hinanakit.
Panandalian siyang tumigil at sinabi niya, isinusumpa ko, lalaki rin ako, titingalain ng maraming tao, mararamdaman nyo rin na isa akong malaking kawalan sa inyo. Kasabay ng pagtakbo niya mula sa kinatatayuan ang pagtulo ng luha.
Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nila napapansin ang pagkawala ni Miyog.
Ngunit isang gabi pag-uwi nila, napansin din nila ang dumi at kalat sa bahay ganun na rin ang paligidnito.
Hindi naglaon, nagkasakit ang ama ni Miyog Dahil sa mga insektongdumumog sa kanilang kapaligiran dahil sa dumi at nabubulok na nakapaligid sa bahay.
Noon nila napagtanto na wala napala si Miyog sa kanila at siya lamang ang posibling naglilinis ng paligid nung siya’y nandito pa.
Ilang linggong hinanap ng ina si Miyog ngunit hindi niya ito makita. Napa upo nalamang ang ina at napapikit sa may pinto at sinabing, “Miyog, anak, kung nanditoka lamang sana ay maayos ang kalagayan ng iyong ama”. Pagmulat niya nasilaw siya sa isang liwanag kasabay ng pagtubo ng isang puno na may bunga.
Kasabay din nito ang pagkakita sa sulat na ginawa ni Miyog. Habang nag tatagal ay lalong dumadami ang puno at napakinabangan ng tao ang lahat ng parte nito mula ugat hanggang dahon.
Laking pasasalamat ng mga tao doon at isang malaking pakinabang ang punong iyon sa kanila, nagsilbi itong pagkain, inumin, at maging gamot sa mag sakit at kung anu-ano pang gamit ang makukuhadito.
Siguro nga ay si Miyog ang punong iyan, nagsisisi akong nasabi kong wala siyang pakinabang, ang sabi ng ina. Di naglaon, tinawag nila itong punong miyog, hanggang sa naging puno ng niyog.
Hanggang sa ngayon, tinitingala at napakalaki pa rin ng pakinabang ng mga tao sa puno ng niyog. Dito nakukuha ang karamihan sa ipinagmamalaking mga produkto ng Pilipinas.