Pangunahing Tauhan ng Kuwentong Alamat ng Ibong Adarna
- Ibong Adarna- ang mahiwagang ibon
- Haring Fernando – pinakamakapangyarihang hari
- Don Pedro – ang panganay na anak at may inggit kay Don Juan.
- Don Diego – ang pangalawa at sunudsunuran kay Don Pedro
- Don Juan – ang bunso at determinadong anak
Ibang pang mga tauhan
- Donya Leonora – ang prinsesa na iniligtas ni Don Juan sa serpyente; kapatid ni Donya Maria Blanca.
- Donya Juana- ang kapatid ni Donya Leonora at prinsesang ikinulong sa balon, nagbabantay sa kanya ay isang higante.
- Donya Maria Blanca – ang prinsesa ng Reyno Delos Crystal (Kaharian ng mga Kristal). Siya ay mas makapangyarihan pa kay Haring Salermo. May Taglay na Mahika Blanka
- Serpyente- isang ahas na may pitong ulo.Ito rin ang nagbabantay kay donya Leonora.
- Higante- ang tagapagbantay ni Donya Juana.
- Donya Isabel – ang kapatid nina Donya Juana at Donya Maria
- Olikornyo – isang mahiwagang malaking ibon. Alaga ng 500 taong matanda na nakasalubong ni Don Juan sa paglalakbay.
- Haring Salermo – ama nina Prinsesa Juana, Isabel at Maria Blanca. May taglay na mahika at maitim ang kutis.
- Matandang leproso – ang matandang tumulong kay Don Juan
- Reyna Valeriana – ina nina Don Juan, Diego, Pedro
- Ermitanyo – tumulong kay Don Juan
- Lobo – ang hayop na alaga ni Donya Leonora na gumamot at tumulong kay Don Juan noong siya’y pinag kaisahan at pinagtulungan nila Don Pedro’t Don Diego.
- Malaking agila – nagsakay kay Don Juan upang makapunta sa Reyno Delos Crystal. Alaga ng 800 taong matanda na nakasalubong ni Don Juan sa paglalakbay
Kuwentong Alamat ng Ibong Adarna:
May isang kaharian na ang pangalan ay Berbanya na pinamumunuan ng isang hari na nagngangalang Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya.
Nang nagkaroon ng di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit.
Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato.
Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog.
Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari.
Ang adarna ay pangit na at malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si Haring Fernando.
Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil.
Pinabantay ng hari ang adarnasa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna.
Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang balon at tinangka nila itong lusungin tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay.
Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Donya Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesang Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Donya Leonora.
Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya siya ay nagdasal. Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang singsing na pamana sa kanya ng kanyang ina.
Pinatid ni Don Pedro si Don Juan. Nang magkamalay si Donya Maria, nangako si Don Pedro na gagawin siyang reyna. Pinasundan niya si Don Juan sa lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si Don Juan.
Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora. Sa halip, sina Don Diego’t Donya Juana ang ipinakasal.
Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo. Kinalimutan ni Don Juan si Donya Leonora sa halip siya’y naglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Donya Maria Blanka.
Inabot ng 3 taon si Don Juan sa paghahanap sa de los Cristal. May matandang nagbigay sa kanya ng tubig at pagkain. Iginiit ni Don Pedro kay Leonora ang kanyang pag-ibig subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa.
Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria habang ito’y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay Donya Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan.
Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan dahil ito ay nagalak sa kanyang pagsagot. Ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok.
At dahil doon, palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari.
Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan.
Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos.
Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok.
Nagapi naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria.
Nang mapili ni Don Juan si Maria, ipatatapon dapat ng hari si Don Juan sa Inglatera ngunit nagtanan ang dalawang magkasintahan.
Sinumpa ng hari si Maria at saka namatay ang hari. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian. Ipinagtapat ni Leonora ang tunay na ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan. Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni Don Juan.
Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Donya Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan gamit ang dalawang ita.
Tatlong beses pinalo ng negrita ang negrito ngunit si Don Juan ang nasasaktan sa mga palong ito. Ngunit wala pa ring maalala si Don Juan. Babasagin na sana ni Maria ang prasko nang maalala siya ni Don Juan.
Ipinagtapat ni Donya Maria ang totoong nangyari kaya nagalit ang hari sa dalawng prinsipe. Isinalaysay ni Donya Maria ang mga nangyari sa kanila ni Don Juan. Nagpakasal sina Donya Maria at Don Juan, bumalik sa Reyno de los Cristal at namuno.
Si Leonora naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan. Sina Don Pedro at Donya Leonora ang naging bagong reyno at reyna ng kaharian ng Berbanya.