Sa baryo pinagpala, may isang batang lalaki ang naninirahan na nagngangalang Ivo.
Si Ivo ay hindi normal na bata, mayroon siyang kapansanan, hindi siya nakakalakad.
Buong araw siyang nasa kanilang bahay ngunit nakakatulong siya sa kanyang pamilya.
Tuwing umaga, siya ay nagbubunot at naglalampaso gamit ang kanyang dalawang kamay, tumutulong din siya sa pananahi na inihahatid ng kanyang ina sa bayan upang pagkakitaan.
Matalinong bata si Ivo kahit hindi siya nakakapag-aral ay marunong siyang magbasa at magsulat sa tulong narin ng kanyang kuya Rene, ang kanyang nakatatandang kapatid.
Tuwing dapit hapon naman, tinatanaw na lamang niIvo ang mga batang naglalaro sa harap ng kanilang bakuran.
Isang araw, nakaupo si Ivo sa harap ng kanilang bakuran, habang naglalaro ng habulan ang mga bata.
“Tara laro tayo?”, alok ng isang batang babae kay Ivo.
“Hindi ako pwede sumali.”
malungkot na tugon ni Ivo.
“Bakit?” nagtatakang tanong ng isa pang batang lalaki na si Jerik.
Biglang tumawa ng malakas ang batang kasali rin sa naghahabulan na si Sophia.
“Ha! Ha! Ha! Pilay kasi!” kutya ni Sophia.
“Kawawa ka naman?, Di mo kami mahahabol kapag sinama ka namin sa habulan”, dagdag ni Reann.
Nagtatawanan ang lahat kay Ivo.
“Tumigil na nga kayo!, nakakaawa na nga siya!”, sabi ng isang batang babae na si Naika.
“Ha! Ha! sige damayan mo yang bago mong kaibigan na isang pilay”, pahayag ni Sophia.
“Oo nga, magsama kayo! Ha! Ha! tara na nga baka mahawaan tayo ng pagiging pilay”, aya ni ni Reann sa mga kaibigan.
“Paalam pilay! Pilay! Pilay!”, dagdag ni Jerik.
Tumatakbong palayo ang mga salbaheng bata, naiwan si Ivo na umiiyak at habang pinapatahan ni Naika.
Buong magdamag na dinamdam ni Ivo ang pangyayari noong hapon.
Isang diwata ang nakarinig sa taghoy ni Ivo.
“Anong nangyari?”, tanong ng diwata sa isang napakalamyos na tinig.
“Sino po kayo?”, gulat na tanong ni Ivo sa diwata.
“Isa akong diwata sa inyong kagubatan”, pakilala nito.
ikinuwento ni Ivo ang pangyayari, at habag na habag ang diwata sa kanyang narinig.
“Gusto mo bang makalaya sa iyong sitwasyon? Ngunit ito ay may kapalit na sakripisyo.”
, paliwanag na alok ng diwata.
“Ano pong sakripisyo? Ngunit nais ko na pong wag kutyain ng aking kapwa mga bata”, nag-aatubili ngunit desididong sagot ni Ivo.
Ngumiti ang diwata sabay ng isang kumpas ng kamay at nagliliwanag ang buong paligid.
Kinabukasan, natataranta sina aling Dana at Rene sa paghahanap.
Nakita nila ang isang balahibong puti sa higaan ni Ivo biglang nakarinig ng mga kanayon na nagkakagulo sa labas.
“Anong nilalang yun na nakakalipad?”, tanong ng isang lalaki.
“Napakaganda!”, sabay sabay na sambit ng mga bata.
Sabay na lumabas ng bahay sila aling Dana at Rene.
“Anak ko!”, iyak na sinabi ni aling Dana.
“Kapatid ko, ngayon malaya ka na.”
, madamdaming pahayag ni Rene at lumipas ang panaho, si Ivo ay tinawag na “IBON”.
Malayang lumilipad sa kalangitan tanaw ang buong sanlibutan.
by: Naika Vinnela L. Manaig